Nagising ako ng mga madaling-araw dahil naramdaman ko ang pantog ko na punong-puno. Maingat akong bumaba sa kama namin ni Malzia at tinungo ang banyo para umihi. Nasa kasarapan na ako ng tulog sa totoo lang ngunit wala akong magagawa kung tinawag ako ng kalikasan. Nang makaraos ako ay bumalik din agad ako para mahiga sa tabi ng maganda kong asawa. Ngunit natigil ako sa aking galaw nang makita kong nakalislis ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Na siyang dahilan para matigilan ako at makita ko ang view ng kaniyang makinis at mabilog na legs. Napalunok ako habang dama ko ang pag-iinit ng ibaba kong katawan. Naalala ko ang inuungot ko sa kaniya kanina bago kami matulog. Hindi siya tumanggi o sumang-ayon. Pero gusto kong maramdaman ang init ng kaniyang katawan. Gapangin ko kaya si