"Ano ang sinabi mo, Ever?" Para akong nabingi at natulala na lamang ako nang marinig ko ang sinabi ni Ever sa akin. Did he just say that Evan is not here? Ano ang ibig niya sabihin na wala na rito si Evan at hindi niya alam kung babalik pa? Where is he? Tuluyan na nga ba siya na lumayo sa akin? "Ever, hindi ko alam kung tama ang narinig ko na sinabi mo, so please repeat what you said. Where is Evan? I really need to talk to him. I need your help for me to be able to talk to him." Hindi tumugon si Ever at pinagmasdan lamang niya ako, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala para sa akin at iyon ang lalo na nakakapagbigay ng kaba sa puso ko. At dahil sa mga nag-aalala na sulyap na iyon ay sigurado na ako na masasaktan na naman ako sa mga sasabihin niya sa akin. Pilit pa rin naman

