"Where is she? Did you find her?" Natatarantang tanong ni Evan sa kan’yang kapatid at kay Tof. Pag-iling lamang ang naging sagot ng dalawa habang habol-habol pa ang kanilang hininga. Kababalik lamang nila sa pagtitipon pagkatapos nilang subukan na habulin si Harper na bigla na lamang na tumakbo palabas nang makita si Evan at ang babae na kasama nito kanina. "Bakit kasi hinayaan mo na umalis, Ever? Katabi mo na, nakatakas pa sa’yo." Awtomatiko na nagsalubong ang kilay ni Ever sa kan’yang kapatid na mukhang siya pa ang sinisisi nito sa mga nangyari kanina. "Are you really putting the blame on me here when it was you who decided to put on a show again? Kailangan ba kasi na lagi ka na lamang na may pa grand entrance pa sa tuwing darating ka? Goodness, Evan!" "You know that I always arrived w

