Nang magdilat ako ng aking mata ay agad ko na inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. I just had a very beautiful dream last night, and I don’t want to wake up from it because, in that dream, I was with Evan. And in that dream, we are back in each other's arms. At sa totoo lamang ay may kaba ako habang kinikilala ang lugar na ito. Ayaw ko kasi na umasa at masaktan lamang sa huli. Ngunit nang maaninag ko ang kabuuan ng kuwarto na kinalalagyan ko ay lalo lamang na nahigit ko ang aking hininga. Ang silid kung na saan ako ngayon ay ang silid ni Evan. At ito na ang kompirmasyon na hindi talaga ako nananaginip lamang. Totoo ang lahat ng mga nangyari kagabi. Totoo na kahalikan ko si Evan at katabi ko siya na natulog kagabi. We were both hugging each other last night, a

