Nagsusukatan kami ng tingin at hindi ko alam kung hinahamon ba niya ako ng away ngayon. Sinasabi ko na nga ba at pagpapanggap lamang niya ang pagiging mabait at malambing niya kanina. Just as I perceived her to be, I know so well that she is seeing me the exact same way as I view her: as an enemy. Ipinagkrus pa niya ang mga braso niya sa kan’yang harapan at ipinapakita niya sa akin na hindi siya magpapatalo. Puwes, hindi rin ako magpapatalo sa kan'ya ngayon! Pero kaya ko nga ba na panghawakan ang katapangan na iyon? Sinabi sa akin ni Evan na mahal niya ako, pero iyon ba ang katotohanan? "You are crazy!" Wala na ang malambing na itsura niya sa akin at blangko na ang emosyon ng mukha niya nang sabihin niya iyon. At ang bawat salita niya ay binibigkas niya ng may diin sa akin. "Hindi na ak

