"Check her vitals." Utos ng nurse sa kasama niya na nasa silid, saka siya bumaling sa akin at nagtanong. "Are you alright?" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Lahat sila ay nagmamadali sa bawat kilos nila habang ako ay nananatili na nakatulala sa kanila at pilit na inaalala ang mga nangyari sa akin. Sinubukan ko na ilibot ang paningin ko sa aking paligid at doon ko napagtanto na kaya pala panay mga nagmamadali na nurse ang nabungaran ko at kung ano-ano ang tanong nila sa akin ay dahil nasa ospital pala ako. Pero bakit? Ano ang ginagawa ko rito? Naaksidente ba ako? Sinubukan ko na gumalaw pero hindi ko magawa dahil sa dami ng aparato na nakakabit sa akin. Sinubukan ko rin na igalaw kahit ang mga paa ko lam