Walang magawa si Evan kung hindi ang lulugo-lugo na lumabas ng silid ni Harper sa suhestiyon na rin ng doktor upang makapagpahinga ang nobya niya. Masamang-masama ang loob niya pero wala siyang magawa kung hindi ang dumiretso na lamang sa presidential suite. He wanted to spend time with her, but as per the doctor, it would be better to give Harper enough time to remember things. Sinabihan niya rin si Ever na iwanan na muna siya at nais niya na mapag-isa. At habang nakaupo siya ay naikuyom na lamang niya ang kan’yang kamao. Galit na galit siya sa tao na gumawa nito sa nobya niya. Hindi kasalanan ni Harper kung hindi siya nito natatandaan, ang may kasalanan ay ang tarantado na naka-aksidente sa kasintahan niya, at sisiguraduhin niya na magbabayad ang tao na iyon sa kan'ya. Masayang-masaya