Mainit ang ulo ni Brent Torres sa kan’yang opisina. Ilang araw na rin siya na nanggigigil at naiinis. He wasn’t expecting to see Harper again. He wasn’t expecting to see her beside Evan Ruiz, the egocentric and self-centered billionaire. Pero ang mas lalo na ikinagulat niya ay ang makita ang ibang-iba na itsura ng kan’yang dating asawa.
Harper is so f*****g sexy and classy. Kung ikukumpara niya ngayon si Harper kay Elise ay mas lamang na lamang na ang dati niyang asawa. Hindi niya alam kung paano nangyari na ang dating losyang at walang kaayos-ayos na si Harper ay napaka-elegante at parang isang modelo na rin ngayon. Daig pa nga ang isang modelo sa kan'yang ayos at pananamit.
When he saw his ex-wife again, it seemed like he went back into the past. Sa mga panahon na pinag-aagawan pa si Harper at napakasuwerte niya na siya ang pinili nito at pinakasalan. He loved her so much, and they married secretly dahil alam nila na hindi papayag ang mga magulang ni Harper na magpakasal siya agad. She has a bright future ahead of her, but she disregarded that future just to be with him.
But when Brent met Elise, everything changed for him. Ibang-iba si Elise dahil alam ni Elise kung ano ang gusto niya. Elise wanted Brent, and she did everything to get him. At lalaki lamang si Brent na mahina sa tukso. Ang isang beses niya na pagtikim sa matalik na kaibigan ng kan’yang asawa ay naging isang parang alkohol na binalik-balikan niya; sumasarap habang tumatagal. At huli na ang lahat sa kan'ya para magbalik-loob kay Harper dahil masyado na siya na nahumaling sa kakaibang alindog ni Elise.
But that night at the party changed everything. When he saw Harper again, it ignited a different feeling for him. Nanumbalik ang pagtingin niya sa dating asawa niya at buti na lamang ay wala si Elise sa mga oras na iyon dahil abala sa pagmomodelo sa ibang bansa. She will be furious if she finds out that Brent is eyeing his ex-wife again.
At isang bagay lang ang nasa isip ni Brent Torres sa ngayon. He needs to win Harper again. At gagawin niya iyon habang wala pa si Elise. Hindi magiging madali dahil isang Evan Ruiz ang babanggain niya, pero nasisiguro niya ang kalalabasan ng laban nila: that a Torres will once again win over a Ruiz.
Ilang katok sa pintuan ng opisina niya ang nagpatigil kay Brent sa pag-iisip kay Harper. Sumilip do’n ang sekretarya niya. "Sir, the Lopezes are asking for your confirmation for the business meeting tonight. Will I already confirm your attendance?"
"Sino-sino na ang nag-confirm para riyan?" Naiinis na tanong niya.
Walang balak si Brent na parati na mag-attend ng mga walang kakuwenta-kuwenta na mga business meeting na iyan dahil puro kayabangan lamang ng mga presidente at ceo ang pinag-uusapan nila. It’s actually a non-formal meeting and can be considered a lavish get-together of rich and famous businessmen. Ayaw niya pero mapilit ang mga magulang niya na padaluhin siya sa mga ganito na okasyon upang mas lalo raw na mapagtibay ang kanilang impluwensya at alyansa sa mayayamang pamilya.
"Hindi ako sigurado, sir, pero may nabanggit ang sekretarya ni Mr. Lopez, that a Ruiz will be attending. Hindi lang niya masiguro kung sino sa dalawang magkapatid ang dadalo."
Napa-isip si Brent dahil sa narinig. Malakas ang kutob niya na si Evan ang pupunta. Si Ever ay walang balak na magseryoso sa buhay at katulad niya na mahilig lamang sa mga kasiyahan. At kung si Evan ang naro’n, malakas ang paniniwala niya na makikita niya ulit si Harper.
He needs to talk to Harper. Kailangan niya na gumawa ng paraan upang muli na mapalapit sa dating asawa niya. Ngayon ay nagngingitngit siya kung bakit niya pa pinamadali ang paghihiwalay nila at talagang na sa huli ang pagsisisi.
"Confirm my attendance then." Utos niya sa sekretarya.
Mabilis naman na lumabas ang sekretarya ni Brent upang sundin ang ipinag-uutos niya. He can’t wait for tonight. He can’t wait to see Harper again. He knows how naive his ex-wife is, at konting pagpapakilig niya lang rito ay nasisigurado niya na makukuha niya muli ang kiliti nito. Nangingiti na siya at nasasabik sa paghaharap nila ni Harper. Parang may kung ano na gayuma si Harper sa kan’ya na hindi na niya mawaglit sa isip ang babae simula nang magkita sila ulit.
Tumunog ang telepono ni Brent at napasimangot siya sa nakitang pangalan na rumehistro ro’n. Ayaw man niya sana ay wala siyang nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Hey, loverboy! What’s up? Bakit hindi mo ako tinatawagan sa nakalipas na ilang araw?"
"Elise." seryoso na sagot niya.
"I miss you, Brent. Why are you so serious? Hindi mo ba ako naaalala? Don’t you miss me and our nights together?"
"I’m at the office, Elise." tipid na sagot pa niya.
"Why? Are you in a meeting? Being in the office doesn’t stop you from talking dirty to me. Call me tonight, hon; let’s have a video call."
"I can’t tonight. I have a business dinner to attend to."
"What?! You’re choosing dinner over me?" Ramdam ni Brent ang pagkadismaya sa boses ni Elise. Tama naman si Elise, Being in the office doesn’t stop him from engaging in phone s*x with her. But right now, he just can’t, not when Harper is plaguing his mind.
"Bawi na lang ako sa’yo, Elise. Busy lang talaga ako sa trabaho. When are you coming back home?"
"I am freaking hot and horny, Brent. And I miss you. I miss your touch, your kiss, but what I miss the most is you being inside of me. Call me tonight during your business dinner. I’ll wait for it." Then she hung up the call.
Elise is like a fire to a moth. A temptation that he can’t easily resist. Elise wants a lot of adventures in bed, and this is what draws Brent to her all the more. Just hearing her pose that challenge to him at that business dinner gives him arousal, but when he closes his eyes, it’s not Elise that he sees. It's Harper, his ex-wife.
Brent was not in his right mind during his remaining time in the office. Masyado siya na nasasabik sa muli na pagkikita nila ni Harper, more than anything. And when it is time, ay nagmamadali siya na lumabas ng opisina para pumunta sa business dinner na iyon with the Lopez.
When he arrived, naro’n na ang ilan sa mga mayayabang na businessman na kinaiinisan ni Brent. "Brent, it’s nice of you to join us tonight. Himala yata na hindi ka abala ngayon sa mga out off office engagements mo?" tanong ni Manolo Lopez, ang siyang host ng party ngayon gabi.
"Mr. Lopez, thank you for inviting me. Naging maluwag ang schedule ko ngayon gabi kaya naisipan ko na pagbigyan na ang pagpunta rito."
"This will be a good night then. Evan also confirmed his attendance as well. A first, dahil siya mismo ang darating at hindi ang kan’yang kapatid na si Ever."
Lihim na nagdiriwang ang puso ni Brent. He knew it! At inaasahan na niya na kasama ni Evan si Harper. "Himala ang pagdating din ni Evan, kung gano’n."
"Evan has been more outgoing because of his fiancée, and Harper Mercader is a good influence on him. Ang dating masungit at matigas na si Evan ay napapalambot ni Harper. And they look good together, bagay na bagay ang dalawang iyon."
Ang kaninang pagdiriwang ng puso ni Brent ay napapalitan ngayon ng inis at galit. Hindi maaari na makuha ni Evan sa kan’ya si Harper. Harper is his and his only.
"The couple of the night have arrived, Manolo." Wika naman ng isang matandang milyonaryo rin.
Nang lingunin ni Brent ang tinutukoy nito na couple of the night ay napakuyom siya ng kamao at nag-igting ang panga niya. Because there in front of them is Evan Ruiz, along with Harper. Harper is wearing a tight red dress, and she looks f*****g sexy again. Ayos na sana ang lahat kung hindi lamang panira ang mga braso ni Evan na nakapulupot sa beywang ni Harper at ang malimit na pagbulong nito sa dati niya na asawa.
Brent is becoming increasingly jealous just seeing Harper and Evan together. Hindi niya talaga alam kung paano nangyari ang malaking pagbabago na iyon kay Harper, but he is dead set on getting his wife back. Nagtama ang paningin nila ni Harper pero parang wala siyang nakita at iniwas agad ang kanyang mga mata. Yumakap pa ang babae sa beywang ni Evan at mas lalo ang panggigigil ni Brent sa tagpo na iyon.
Sinalubong ang dalawa ng iba pang mga panauhin, and Brent hated it. He hated every minute of it, dahil ang sentro ng atensyon ay nasa magkasintahan. At isa lamang ang tumatakbo sa isipan niya: He will get Harper back, whatever it takes.