Ilang buwan na akong nananatili dito sa Singapore na paulit-ulit kong ipinagpapa-salamat kay Ryker na siyang tumu-tulong sakin ngayon. Hindi pa ako makapagtrabaho dahil inaasikaso pa ni Ryker ang mga papel ko para makapag-apply na ako dahil gusto ko nang maging abala ang sarili ko para hindi ko na naaalala ang nangyari sakin nitong nakaraang mga buwan. Mahirap makalimot lalo na kung ang taong mahal mo ang dahilan ng paglayo mo. Walang maayos na paliwanag akong naibigay sa kanya, ganun din siya. Parehas kaming may pagkukulang, lalo na ako, kaya naging ganito ang takbo ng relasyon namin. Tulad ng sabi nila, sa una lang masaya ang lahat. "Hey. Tulala kana naman." Puna sakin ni Ker habang nakatanaw ako sa malawak na karagatan. Pinasyal niya ako na pinaunlakan ko naman para malibang at makah