Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa panyong nakabusal sa bibig ko. Wala na ring humpay sa pagtulo ang mga luha ko habang ang mga mata ko ay nakapako sa lalaking hindi ko kailanman inisip na magagawa sakin ang ganitong bagay. Isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng suot niyang polo shirt habang nakatitig sakin ang walang emosyon niyang mga mata. "Pinili mo 'to, Isabella." Malamig niyang sambit na ikina-iling ko ng ilang ulit para sabihin sa kanyang, itigil niya ang binabalak niya. Nginisihan lang niya ako bago hubarin ang kanyang polo shirt at itapon kung saan. Lumapit siya sa cabinet kung saan ako nagtago at may kinuha siya doon na isang brown envelope. Binuksan niya iyon at may kinuhang isang papel. Lumapit siya sakin at ibinalandra sakin ang papel na hawak niya. Certif