Chapter 24

2424 Words

Hindi na maubos-ubos ang mga luha ko. Hindi na tumigil sa pagkirot ang puso ko sa sakit. Sa bawat matatalim na salitang binibitawan ni Sven sakin ay para akong paulit-ulit na sinasaksak. Sa bawat hagod ng mga mata niya sa akin at pandidiri at pagkasuklam ang nakapaloob doon, pakiramdam ko ay kinakapos ako palagi ng hangin. Malamig pa sa yelo ang pakiki-tungo niya sa akin sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay hindi na ako makakaahon pa. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng mansyon. Ang mansyon na ito ay nasa gitna ng kagubatan at nasa isang isla ito na pagmamay-ari mismo ni Sven. Malawak at tahimik sa lugar na ito pero payapa sa pakiramdam kaya sa tuwing nagkaka-sakitan lamang kami ni Sven ay lumalabas ako ng mansyon at nagtutungo dito sa dalampasig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD