“BAKIT narito ka, Camilla?” kunot-noong tanong ni Chase. “A-Ano kasi….. kinausap ko si Herald,” balisang turan niya. Napabuga ng hangin si Chase. “At ano naman ang sinabi mo?” “Sinabi ko na itigil na niya ang akusasyon sa ‘yo.” “Ang kulit mo rin talaga, eh. Sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang makialam. Lalo mo lang pinapa-stress ang sarili mo niyan.” “Eh, hindi ko kayang manahimik lang. Paano kung may masilip na ebidensiya ang mga pulis at maipakulong ka?” Napailing si Chase at kinabig siya ng braso sa baywang. Hinatak siya nito kaya napayakap siya rito. “I know you’re just worried, Camilla. Thank you, but let me handle Herald. I will allow him to accuse me and report to the police. Magsasayang lang sila ng oras,” kampanteng sabi nito. “I can’t take it, Chase. Kahit anong gawin mo, m