PAGKATAPOS mag-round ni Camilla sa medical ward ay dumiretso siya sa cardiology department. Naghatid din siya ng bagong files ng pasyente. Tuloy ay pinuntahan niya si Herald sa tanggapan nito. Katatapos lang nito sa kausap na nurse na lalaki. “Maupo ka, Camilla,” panyaya nito. Umupo naman siya sa silyang katapat ng lamesa nito. “Hindi ako magtatagal. Gusto ko lang linawin ang napag-usapan natin kanina,” aniya. “I know. I considered your theory, but I can’t stop the police from investigating my case. I just dropped Chase’s name, and he’s under investigation, too.” Nataranta na siya. “I told you already, Chase was innocent! Oo, nagselos siya sa ‘yo at pinasundan ka kasi nag-aalala siya sa akin, pero matagal na ‘yon!” “You mean Chase accused me first?” “Gusto lang niyang matiyak na wala