HINDI na natulog si Chase kakaisip kay Camilla. Nang mapatulog si Charlie ay bumalik siya sa study room at nagbukas ng laptop. Sakto namang tumunog ang kan’yang cellphone. He already had a suspected person who took his wife. It’s Herald. And speaking of Herald, he finally called. “Where’s Camilla?” walang abog niyang tanong nang masagot ang tawag ni Herald. Ang tagal pa nitong sumagot. “F*ck you, Herald! Tell me where’s Camilla?!” nanggagalaiting ulit niya sa tanong. “Calm yourself first, Chase,” anito sa garalgal na tinig. “T*ngina mo! Paano ako kakalma? I know you’re responsible of Camilla’s kidnapping!” Hindi mapakaling palakad-lakad siya sa tapat ng lamesa. “Yes, I kidnapped her for a reason,” pag-amin ni Herald. Nagatungan pa ang himagsik niya at hindi napigil ang malutong na pag