NAGTATAKA si Camilla bakit wala pa rin si Chase. Alas-diyes na ng gabi. Isang pasyente lang naman umano ang ooperahan nito. Halos anim na oras na itong nasa ospital. Tinatawagan niya ito ngunit walang sagot, nakatantong tawag na. Kung kailan matutulog na siya ay saka sumagot sa tawag ang binata. “Hindi ka pa ba uuwi?” naiinip niyang tanong. “I’m on the way. Kalalabas ko lang ng ospital,” tugon ni Chase. “Mag-alas-onse na, ah. Ilang pasyente ba ang inoperahan mo?” “Nakatiyempo ako ng pasyente na biktima ng organ trading. Kinailangan kong palitan ang kidney, mabuti nagkusang maging donor ang kapatid ng pasyente. Dalawa na sila ang inasikaso ko kaya lalong natagalan. Binisita ko rin ang unang pasyente na naoperahan ko noong isang araw, na biktima rin ang modos ng sindikato.” Nawala ang a