NAKATULOG din ng anim na oras si Camilla. Nagulat siya paggising ay nakaimpake na ang ibang gamit nila. Bumangon na siya at naligo sa banyo. Nag-aapura siya dahil maingay si Charlie, kumakalabog sa kuwarto nito. Paglabas niya ng banyo ay naroon na si Chase, naghahakot ng gamit. “Teka, ano ‘yang mga nailagay mo sa maleta?” natatarantang tanong niya. “Mga sapatos mo at kung anong damit,” anito. “Dapat sa kahon na ang mga ‘yan. Mamayang gabi na ‘yan. Unahin mo ang importanteng gamit na maliliit. Bukas na ang malalaki.” “You don’t need to bring that massive stuff, Camilla. Nakabili na ako ng mga furniture at ibang gamit sa kuwarto at kusina. Leave the others here. Mapapakinabangan sila ng tita mo.” “Eh, may sentimental ang ibang gamit sa akin.” “Fine! You can choose your stuff.” “Eh, si