Chapter 39

2151 Words

NABUHAT ni Camilla ang isang silya at naihampas sa lalaking palapit sana sa kan’ya. May mga baril ito kaya nagsigawan na ang staff ng gotohan. May dumating pang dalawang lalaki at pilit siyang nilalapitan. Ngunit bago siya mahawakan ng mga ito ay may tumama na kung ano sa leeg ng mga ito at biglang bumulagta sa sahig. Wala naman siyang narinig na putok ng baril at napansin lang ang mga lalaki na napahawak sa leeg at batok. “Camilla! Let’s go!” tinig ni Chase. Namataan niya ito na nakatayo sa may gilid ng main door. Wala naman itong ibang hawak kundi ang backpack. Napatakbo siya patungo rito. Nang mahawakan siya sa kamay ay tumakbo na sila patungo sa kotse. Napatumba na rin ni Marlon ang kalaban nito at nakahabol sa kanila. May naiwan pang kalabann sa pulang kotse at pilit silang sinus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD