NAGMAMADALING kumain si Camilla. Hindi niya pinansin ang masamang tingin sa kan’ya ni Chase. “Bakit, Mommy?” curious na tanong ni Charlie. “Kailangan kong pumasok sa ospital, anak. May pasyente kaming batang babae na may sakit sa puso, kasing edad mo,” aniya. “Oh, kawawa naman siya, Mommy.” “Yes, at hindi puwedeng wala ako kasi nangako ako na sasamahan ko siya sa operasyon.” Hindi na niya inubos ang kaniyang pagkain at uminom na ng tubig. Mabilisan din siyang nagsipilyo. Pagkuwan ay humalik siya sa pisngi ni Charlie. Dinaalan lang niya si Chase na hindi maipinta ang mukha. “Ikaw na bahala kay Charlie, Chase. Aalis na ako,” aniya. Hinatid naman siya ng driver sa ospital at may kasama siyang dalawang bodyguard. Late na siya ng isang oras pero tumuloy pa rin siya. “Akala ko ba naka-le