ALAS-SIYETE ng gabi na nakauwi si Chase, saktong nakapagluto na ng hapunan si Camilla. Tinulungan siya ni Charlie sa paghakot ng kubyertos sa lamesa. Malungkot pa rin ang bata at naiisip ang lolo. “Don’t be sad, buddy. Malulungkot din ang lolo mo,” kausap in Chase sa bata. “Eh, kasi, Daddy nami-miss ko na si Lolo,” ani Charlie. Umupo na ito sa silyang katabi ng ama. “Ganoon talaga, anak. Some people we meet will not stay in our lives forever, but they will remain in our hearts.” “Opo, Daddy.” Umupo na rin si Camilla sa silyang hinila ng kan’yang anak. “Mag-move on na tayo, anak. Masaya na ang lolo mo ngayon kasi nagpapahinga na siya,” aniya. “Nasa heaven na po si Lolo?” “Yes. Let’s eat!” “Okay.” Ginalaw na rin ni Charlie ang pagkain nito. Ginutom na rin si Chase at walang imik na