NAPATILI si Camilla nang bumagsak sa kan’yang harapana ng flower vase na nasa ibabaw ng divider. Nasagi niya ang divider at napalakas kaya naalog. Nabasag ang vase at nagkalat ang bubog. Mabuti artificial flowers lang ang nakatulos dito. Ngunit bigla naman siyang ginupo ng hindi mawaring kaba. Alas-dose pasado na pero hindi pa rin siya makatulog. Naroon siya sa lobby at katatapos lang niyang uminom ng gatas. Babalik na sana siya sa kuwarto kaso napasubo na sa paglinis ng kalat. Hindi siya mapakali dahil sa patuloy na pagkabog ng kan’yang dibdib. Nang ayaw pa ring humupa ng kan’yang kaba ay tinawagan niya si Chase. Hindi ito sumasagot kaya lalo siyang sinalakay ng nerbiyos. Lumabas na siya ng bahay at lumanghap ng hangin. Abala ang mga guwardiya at pumuwesto na sa gate. Maaring may updat