WALANG dalang extra na damit si Camilla kaya umuwi muna siya. Si Chase ang naiwan at nagbantay kay Charlie. Wala rin itong damit at hindi nakabili sa labas. Mabuti may naitabi siyang nalabhan na damit nito at underwear. Nag-impake lang siya ng gamit at ilang uniform matapos maligo nang mabilisan. “Kumusta si Charlie, Camilla?” nag-aalalang tanong ni Solidad. “May lagnat pa rin po siya pero bumaba na. Nilagyan na namin siya ng catheter para mailabas ang ihi,” aniya. Ibinaba na niya sa lobby ang malaking bag na pinaglagyan ng mga damit nila ni Chase. “Hay! Kawawang bata. Hindi na rin kasi natin matutukan si Charlie dahil pareho tayong busy. Eh, si Chase, dumating na ba?” “Opo, nasa ospital na.” “Teka, magbabalot ako ng tinapay at tubig ninyo.” Tumakbo patungong tindahan ang ginang. Hi