HINDI na nakausap ni Camilla si Herald nang tawagin siya ni Charlie. Nagpaalam naman ang binata at umalis kasabay ni Lessel. “Mommy, I’m hungry,” reklamo ni Charlie. Pumasok pa sa banyo si Chase at ilang minuto bago lumabas. “Umalis na ba ang karibal ko?” walang gatol nitong tanong. Nasipat niya ang binata na nakatikwas ang isang kilay. “Anong karibal?” maang niya. “Hindi ba manliligaw mo si Herald? Napapadalas na nga ang pagsasama n’yo tuwing break time. And he cares for our son, too. That means he was trying to get closer to Charlie. Of course, oras na magustuhan siya ni Charlie, puwede niyang gamitin ang bata para makuha rin ang loob mo.” “Tumigil ka nga! Hindi ko na nga maatupag ang anak ko, maglalaan pa ako ng oras sa lalaki! Ikaw pa nga lang stress na stress na ako!” palatak ni