DALAWANG araw pa ang lumipas ay hindi pa rin matahimik ang isip ni Camilla. Pinatapos lang niya ang long quest ni Charlie at hindi na muna niya ito pinapasok sa school. Naging alerto naman ang ospital na pinagtatrabahuhan niya dahil sa takot na matulad sa ibang ospital na ginamit ng mga sindikato. Kapapasok lang niya sa ospital ay napasubo na siya sa OR. May naka-schedule nang pasyente for heart surgery. Napanatag siya dahil hindi naman kumplikado ang problema ng pastente. Si Herald at isang matandang surgeon ang kasama nila sa OR. Noon na ulit niya nakita si Herald dahil umano may duty ito sa ibang ospital. Inasikaso rin umano nito ang isyu sa pasyenteng biktima ng organ trading. Pagkatapos ng operasyon ay nagpasya ang dalaga na maghapunan muna. Ilang oras din kasi silang nasa OR. Per