ILANG sandaling walang kibo si Camilla at hindi masagot-sagot si Chase. But it’s too late to deny the truth. Umiwas din siya ng tingin sa binata at itinuloy ang ginagawa. “Oo, naroon si Daddy. May tama siya ng bala sa hita at kailangan niya magpagaling,” pagkuwan ay pag-amin niya. “I see. My agent saw your father in their old headquarters fighting against his former allies. Pinasundan ko siya,” ani Chase. “Huwag n’yo munang huhulihin si Daddy. May importanteng gamit pa siyang kukunin sa headquarters nila. Nangako ka sa akin na hindi ‘yo sasaktan si Daddy, Chase.” “I didn’t forget that, Camilla. Pero kung hindi kusang susuko sa amin ang tatay mo, talagang mapapahamak siya.” Marahas niyang nilingon si Chase. “Nakiusap na ako kay Daddy na once nakuha na niya ang kailangan niya, susuko na