HALOS dalawang oras din bago natapos ang operasyon. Pumasok sa extension ng silid si Camilla dala ang nagamit na utensils. Hindi pa siya nagtanggal ng equipment at nag-sanitize pa ng mga gamit sa surgery. Inasikaso na ng mga kasama niya ang pasyente. Abala siya sa ginagawa nang may pumasok pero hindi niya inalam kung sino. Ngunit bumagal ang kan’yang kilos nang may tumabi sa kan’ya at naghugas ng mga kamay sa lababo. Nang makita ang tattoo nito sa braso at kamay ay ginulantang siya ng biglang pagsikdo ng kan’yang puso. The guy was Chase. “How’s Charlie?” tanong ni Chase. “He’s at school. Final practice nila ng kanta para sa graduation bukas,” turan niya ngunit hindi sinipat ang kausap. “And you?” “I’m fine,” walang buhay niyang tugon. Inaantok na siya at pagod kaya lalong wala sa mood