Chapter 69

1985 Words

PAGDATING naman ng bahay ng kan’yang tiya ay kaagad pinuntahan ni Camilla sa kuwarto ang kan’yang ama. Bumili pa siya ng mga prutas at kung anong puwede nitong kainin. Nangayayat na ang tatay niya, namumutla. May sinat ito nang makapa niya ang noo. “Kain ka ng maraming prutas, Dad. Marami akong biniling prutas at gulay para sa inyo,” sabi niya. Tiningnan niya ang blood pressure ng ginoo gamit ang digital BP monitor ng kan’yang tiya. “Salamat, anak. Once magaling na ang sugat ko, puwede na rin akong makaalis dito,” ani Loreto. Nakahiga lang ito sa kama. “Dad, nakausap ko na si Chase. Alam niya na narito ka,” aniya. “Ano? Sinabi mo ba?” Napabalikwas ng upo ang ginoo. “Hindi. Nalaman niya dahil pinasusundan ka niya sa agent niya.” Napailing ang ginoo. “Mautak talaga ‘yang si Chase.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD