“LET’S go, Camilla!” paanyaya ni Chase. Nagtitipa pa lang ng reply niya si Camilla para kay Herald. Malamang ay pupuntahan siya nito roon. Makikita nito si Chase kung sakali. “Mauna ka na!” sabi niya kay Chase. “Mamaya mo na sagutin ‘yang admirer mo. Sisirain pa niyan ang araw ko. At saka imposibleng nagkataon lang na narito siya. Baka sinusundan ka na niyan.” Sinipat lang niya si Chase. Lumabas na ito. Sinabi lang niya kay Herald na kasama niya ang kaniyang pamilya. Wala naman itong replay. Lumabas na lamang siya. Pagdating niya sa cottage ay nakahain na ang pagkain sa mahabang lamesa. Mabuti na lang may inihaw na patatas ang nanay niya. Aware na ito na hindi kumakain ng kanin si Chase. Pumuwesto na siya sa tabi ni Charlie, napagitnaan nila ni Chase. Pinaghimay niya ito ng laman ng