WARI pinapaso si Camilla habang kasama si Chase na naglalakad sa pasilyo. Patungo na sila sa lounge upang kakain. Ayaw kasi nitong bitawan ang kamay niya kahit pumipiglas siya. Nakatuon tuloy sa kanila ang atensiyon ng staff na nadadaanan nila. “Bakit ba umiiwas ka sa akin? Ikinakahiya mo ba ako, Camilla?” tanong ni Chase. “Eh, nasa work tayo. ‘Wag ka masyadong humarot,” aniya. “Hinaharot ba kita? I’m just holding your hand.” “Para tayong teenager sa ginagawa mo.” “Tsk! What the f*ck Camilla? Masyado kang conservative. Ano naman kung magkahawak-kamay tayo? Hindi naman tayo nagdi-date lang.” “Ah, basta!” Napailing si Chase. Pagdating naman sa lounge ay may iilang nurses at doktor doon. Naroon ang kaibigang doktora ni Rosalie at may kasamang lalaking doktor na medyo bata pa. Ayaw ni