DAHIL sa lakas ng tili ni Camilla ay nagising ang lalaking nakitulog sa kuwarto niya, na walang iba kundi si Chase. Awtomatikong uminit ang kaniayng bunbunan at nahampas ng kaniyang bag sa binti si Chase. “Hey! Stop it!” angal nito. Napabalikwas na ito ng upo. “Ano’ng ginagawa mo rito, walanghiya ka!” Hinampas pa rin niya ito ng bag pero hinaharang nito ng mga kamay. “Calm down! Let me talk!” Tumigil naman siya at namaywang. “Sige, magsalita ka!” “I came here to visit Charlie. Kaso nasiraan ang kotse ko kaya iniwan ko sa tapat ng convenience store. Naglakad ako papunta rito,” paliwanag nito. “At sino may sabing pupunta ka rito? Hindi ba sinabi ko na huwag ka na pupunta rito? Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka na nadala sa nangyari kay Charlie! Ano’ng gusto mo, araw-araw ako atakehin ng ne