Chapter 9

2257 Words
NASA duty na si Camilla pero mayamaya ang tawag niya kay Chase. Hindi siya mapakali dahil hindi ito sumasagot. Hating gabi na, kalahati na ng duty niya pero wala pa siyang hapunan. “Camilla, kumain ka na ba?” tanong ng kasama niyang nurse sa emergency room. “Hindi pa,” matamlay niyang tugon. “Kain ka muna habang walang pasyente,” ani Lori. “Sige.” Lumabas na siya at nagtungo sa lounge. May baon naman siyang pagkain pero wala siyang gana. Bumili lang siya ng goto at tinapay sa labas. Iyon ang kaniyang nilantakan. Puro hangin na ang laman ng sikmura niya. Nang mapasukan ng pagkain ay biglang kumirot ang kaniyang tiyan. Konti lang tuloy ang nakain niya. Tinawagan niya ulit si Chase at sa wakas ay sumagot din ito. Walang preno siyang dumaldal. “Ano na? May balak ka bang patayin ako sa nerbiyos dito? Hindi na ako makakain kakaisip sa anak ko! Ano na ang nangyari?” palatak niya. “Easy. We will go home now,” ani Chase. “Ano, naalis na ba ang bracelet sa kamay in Charlie?” “Yes. He’s fine now. Nakatulog na siya matapos maligo sa dagat.” Napabuntonghininga siya. “Thank you, Lord!” mangiyak-ngiyak niyang usal at napatingala sa kisame. Pero mayamaya rin ay muli siyang pumalatak. “Last na ‘to, Chase! Hindi ka na puwedeng lumapit kay Charlie in public! I’m sure your enemy will keep on monitoring you. Baka sa susunod ako naman ang lagyan nila ng bomba dahil nakilala na nila ako! Keeping you away from us was the safest way!” Biglang tumahimik ang panig ni Chase. “I’m sorry. I can’t blame you for your decision, but please don’t cut my connection to Charlie,” anito pagkuwan. “You can support him, but seeing him more open can risk his life, Chase. Mamamatay ako sa takot, alam mo ba? You won’t understand me because you’re not a mother who sacrificed half of life to keep Charlie breathing and growing healthy,” naunahan na siya ng emosyon at napaluha. “I understand. I assure you, I will protect you and Charlie. I’m just trapped last time, kaya hindi ako makakilos nang maayos.” “Protect? O baka lalo mo lang kaming ipahamak, Chase. Mas safe kami kung wala ka. Find your peace first before thinking about others' safety. You can’t even protect yourself. How can I entrust you with my son’s life? Tama nang pasakit ang ibinigay mo sa buhay ko mula noon. Bring back my son before I get sick because of stress.” Ibinaba na niya ang cellphone at inubos ang kaniyang pagkain. Madaling araw pag-uwi ni Camilla ng bahay ay naroon na si Charlie at tulog sa kuwarto nito. Hindi na niya naabutan si Chase pero may iniwang maraming prutas at kung anong makakain mula sa Subic Bay. Kaagad niyang niyakap ang kaniyang anak at hinagkan sa noo. “Sorry, anak, nalalagay ka sa panganib na walang malay. Promise, hindi na hahayaan ni Mommy na mapahamak ka,” bulong niya sa nahimbing na anak. Iniwan din niya ito at pumasok sa kaniyang kuwarto. Diretso ang kaniyang higa sa kama dahil sa pagod. Mabilis din siyang nakatulog. HAPON na nagising si Camilla at binulabog siya ng ingay ni Charlie. Naglalaro ito sa kaniyang kuwarto. “Anak, kumain ka na ba?” tanong niya sa anak. “Opo, Mommy. Kinain ko bigay ni Daddy na food.” Napasintido siya. “Nagpunta ba rito ang daddy mo kanina?” “Hm, no. Sabi ng lalaki kanina nagdala ng food, si Daddy bumili n’on.” Napabuga siya ng hangin. Hindi talaga matiis ni Chase ang anak nito. Wala na siyang magagawa roon. Pero titiyakin niya na hindi nito ipapahamak si Charlie. “Sigurado ka ba na ang daddy mo ang nagbigay ng food?” usisa niya. May trauma na siya kaya kahit kapitbahay ay halos ayaw niyang palapitin kay Charlie. “Opo kasi nakausap ko si Daddy sa phone no’ng lalaki,” sagot naman ng bata. “Sige na. Matulog ka, alas-dos na ng hapon.” “Okay. Ligpit ko lang laruan ko, Mommy.” Tumigil din sa paglalaro si Charlie at inipon ang laruan sa basket. Bumangon na siya at pumasok ng banyo. Tuloy ay naligo na siya. Mahaba-haba rin ang kaniyang tulog. Paglabas niya ng banyo ay nakahiga na ng kama si Charlie at nakapikit, yakap ang paborito nitong spiderman na unan, bigay pa ni Chase. Mas gusto nitong matulog sa kuwarto niya kung hapon. Nagbihis na siya ng uniform dahil nalipat sa alas-singko ng hapon ang kaniyang duty. Pagbaba niya sa kusina ay naghalungkat siya ng laman ng ref. Merong chocolate cake roon na may bawas. May mga juice na nasa jar, kung anong pagkain ng bata. Nagpadala na naman malamang si Chase ng stock para kay Charlie. May tira pang ulam na pinadala nito. Beefsteak ito at may mga gulay, merong broccoli at carrots na maliliit. Inubos na niya ang tirang pagkain ni Charlie. Mayamaya ay pumasok ang kaniyang tiya. Himalang nagpa-rebond na ito ng buhok at kinulayan pa ng blonde. Nagpagupit din ito hanggang balikat kaya bumata tingnan. “Bagay ba sa akin ang bagong buhok ko, Camilla?” nakangiting tanong nito. “Bagay na bagay ho, bumata kayo tingnan,” aniya. “Hindi sana ako magpa-rebond kaso napuna ni Chase kahapon. Ginalaw ko na tuloy ang sampung libong bigay niya. Pantataya ko sana sa lotto ‘yon araw-araw.” “Ilang taon na kayong tumataya sa lotto, tumama na ba kayo?” “Aba! Ilang beses ako nakatiyamba balik-taya nga lang. Nanalo ako minsan sa kinakaskas limang libo. Nagbabakasali lang naman ako makakuha ng jackpot. Magpapatayo ako ng maraming negosyo at magtatayo ng shelter para sa mga homeless na aso at pusa.” “Pagpalain sana kayo, Tita. Marami na rin kayong inampong kuting, siksikan na sila sa bodega.” “Oo nga. Iyong binigay na pera ni Chase, naibili ko ng dalawang sako na cat food.” Naisip na naman niya si Chase na ayaw pa rin lumayo sa kanilang mag-ina. “Tita, huwag n’yo na pong payagan si Chase na malapitan si Charlie in public. Kung puwede nga huwag na rin siya pupunta rito. Puwede naman siyang tumawag kung gusto makausap si Charlie. Inaatake ako ng nerbiyos sa tuwing narito siya.” Lumuklok sa katapat niyang silya ang ginang. “Naintindihan ko ang takot mo, Camilla, pero kawawa naman si Chase kung hindi niya makita si Charlie.” “Ginusto niya ‘yon, ang mabuhay sa panganib. Hindi hamak ang takot ko sa nangyari kay Charlie. Bilang ina, sobrang hirap na may iniisip na panganib para sa anak. Kung patuloy na lalapit sa amin si Chase, hindi malayong maulit ang nangyari kay Charlie. Baka pati ako at pagtripan na rin ng kalaban niya.” Napabuga ng hangin ang ginang. “Kung sa bagay. Hindi naman kita masisi. Wala akong anak pero ramdam ko ang hirap sa pag-aalaga ng bata. Marami na rin akong inalagaang pamangkin.” “Salamat po sa pagtulong sa akin, Tita.” “Walang anuman. Mag-isa lang naman ako kaya malaking bagay na narito ka at ang anak mo. Para na rin akong may anak at apo.” Malapad na ngumiti ang ginang. Hindi na nag-asawa ang kaniyang tiyahin simula noong namatay ang asawa nito. Nagkaroon din ito ng sakit sa matris at obligadong tanggalin. Pagkatapos kumain ay isang oras lang nagpahinga si Camilla. Pumanok na siya sa trabaho. Napaaga ang pagpasok niya sa ospital at hindi pa oras ng shifting. May pagkakataon siyang tumambay sa convenience store sa tapat ng ospital. Bumili siya ng ice cream at doon kinain. Habang nakaupo sa bench sa may gilid ng salaming dingding ay namataan niya ang pamilyar na kotse sa labas. Hindi siya maaring magkamali na kotse ito ng kaniyang ama. Ilang beses niya itong napansing nakasunod sa kaniya o kaya’y tumatambay sa labas ng ospital. Hindi naman siya nilalapitan ng ginoo. Inubos lang niya ang kaniyang ice cream saka lumabas. Nagulat siya nang bigla siyang haranging sa daan ng kaniyang ama. Awtomatikong kumabog ang kaniyang dibdib. Isa pa itong pumupukaw sa kaniyang takot. “Hindi ako magtatagal, Camilla,” wika ng ginoo. “Ano’ng kailangan n’yo?” kaswal niyang tanong. “Updated ako sa nangyayari sa ‘yo. Pinamanmanan ko kayo sa tauhan ko. Napansin ko na panay pa rin ang lapit sa inyo ni Chase. Malamang dahil sa anak niya. Alam ko rin na kamuntik na mapahamak ang anak mo. Dapat ay maging alerto ka na, Camilla. Huwag mo hahayaang makalapit si Chase sa inyo. Delikadong mga mafia group ang kalaban niya.” “Ginawa ko na ang lahat para huwag siyang makalapit sa anak ko pero makulit siya.” “O baka naman binigyan mo siya ng chance kaya namimihasa.” “Wala akong binibigay na chance sa kan’ya, Dad. Hindi ko naman puwedeng ikulong na lang basta sa bahay si Charlie. Nag-aaral ang bata. Sa school siya madalas nalalapitan ni Chase.” “Higpitan mo ang paligid ninyo ng anak mo, Camilla. Lalong delikado kung mapadalas pa ang paglapit sa inyo ni Chase. Grounded na sa batas ang organisasyon nila at maraming mafia group ang naghahabol kay Chase. Gagamitin ng mga kalaban niya ang taong mahalaga sa kan’ya. Kaya magmula ngayon, mag-uutos ako ng tao na magmanman sa inyong mag-ina.” Inalimin na siya ng kaba. “Ilalagay mo rin kami sa panganib, Dad. Mas mapapanatag ako kung malayo kayo sa akin. Lalong magkakagulo kung kukontrahin mo rin si Chase. May tao rin siyang nagbabantay sa amin.” “At least I can secure you from the other mafia group. I won’t allow Chase to get closer to you.” Bumuntonghininga siya. “Huwag na po kayong makialam, Dad. Bigyan n’yo naman ng katahimikana ng buhay ko. Nadadamay na ang anak ko,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Huwag ako ang katakutan mo, Camilla. Si Chase ang naglalagay sa inyo sa panganib. Nasampulan ka na, at huwag mong hintaying maulit ang panganib sa buhay ng anak mo.” “Lubayan n’yo na rin ako, please,” aniya. Umiwas na siya sa ginoo. Hindi naman siya nito sinundan. Tumawid na siya ng kalsada at pumasok sa ospital. Pagpasok ni Camilla sa nurses’ station ay nagtataka siya bakit nag-uumpukan ang mga nurse, may pinag-uusapan. Kumislot siya nang may sumundot sa kaniyang tagiliran. Napalingon siya sa likuran, si Lessel pala ang salarin. Lalong naging close niya si Lessel dahil madalas pareho ang oras ng duty nila. “Ano’ng meron?” curious niyang tanong sa kabigan. “Alam mo naman ang mga nurses sa tuwing may bagong doktor na binata at pogi, kinikilig patin mga tumbong,” ani Lessel. “Sinong bagong doktor?” “Marami pero dalawa lang ang binata. Hindi ko pa nakita ‘yong isa pero sabi nila general surgeon daw ‘yon. Nakita ko lang kahapon ang bagong cardiologist na binata, sobrang pogi! Hindi siya purong pinoy at sa US siya nag-aral.” Iba ang pakiramdam niya sa general surgeon. “Sino ‘yong general surgeon?” usisa niya. “Wala akong detalye. Narinig ko lang sa mga tsismosa. Mas una na akong kinilig kay Dr. Laurelli, makalaglag panty ang s*x appeal!” “Ang hihilig n’yo sa poging doktor. Ayaw n’yo ba sa poging pasyente?” amuse niyang sabi. “Aba! Game ako basta bilyonaryo! Sino ba naman ang ayaw yumaman?” Natawa siya. Sinimulan na lamang niya ang trabaho. Napasubo sa puspusang trabaho si Camilla dahil dumagsa ang pasyente. May dalawang aksidente kasing nai-report at maraming sugatan. Sa surgery ward siya na-assign kaya kailangan ng mabilisang kilos. Alas-singko ng umaga na nakauwi si Camilla at bumili na siya ng goto para sa kan’yang almusal. May bago na ulit baker ang tiyahin niya kaya may nagluluto ng pandesal. Bakery pa lang ang bukas sa tindahan at humingi siya ng rejected na pandesal. Nagtataka siya bakit ang agang nagising ng kaniyang tiya. Naroon na ito sa bakery. Stay-in ang baker nila at assistant nito, at ang mga ito na ang nagbubukas ng bakeshop. “Ang aga n’yong nagising, Tita, ah,” sabi niya pagkatapos magmano sa ginang. Nagbibilang ito ng pandesal na naluto. “Ano kasi….” Bumakas sa mukha ng ginang ang pagkabalisa. “Bakit po?” “Kuwan, wala. Pasok ka na lang sa bahay.” Kunot-noo siyang nakatitig sa mukha ng ginang. Hindi na lamang niya ito inusig. Tumuloy na siya sa bahay at dumiretso sa kusina. Kumain na muna siya. Hindi siya nakakain nang maayos sa ospital kaya doon siya bumanat sa bahay. Nang mabusog ay nagsipilyo na siya. Lumiliwanag na sa labas kaya pumanhik na siya sa ikalawang palapag. Dumaan muna siya sa kuwarto ni Charlie. Ibinukod na niya ang kuwarto nito dahil malikot, hindi siya makatulog nang maayos kung katabi ito. Mahimbing pa ang tulog ni Charlie habang yakap ang spiderman na unan. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo. “Pasensiya ka na, anak, hindi na kita natatabihang matulog,” bulong niya rito. Inayos niya ang kumot nito. May air-con din ang kuwarto nito na maliit. Maliit lang din ang kama nito kaya ito lang ang puwedeng matulog doon. Pagkuwan ay nagtungo siya sa kaniyang kuwarto. Medyo madilim pa sa loob dahil nakaladlad ang kurtina na makapal at nasasala ang liwanag mula sa labas. May air-con din ang kaniyang silid. Nagbukas siya ng ilaw. “Ay, betlog mong hilaw!” tili niya nang may mamataang lalaking nakahiga sa kaniyang kama, hubad-baro at tanging itim na boxer ang suot pan-ibaba. Nakadapa pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD