DALAWANG linggo pa ang lumipas, wala pa ring paramdam si Chase kaya lalong inatake ng stress si Camilla. Hindi na siya makapag-focus sa trabaho dahil minu-monitor niya si Charlie. Mabuti na lang bakasyon na. Hindi muna niya hinayaang makipaglaro sa ibang bata ang kaniyang anak.
Umaga na ulit ang duty niya sa ospital pero salat pa rin ang oras niya sa tulog. Nangayayat na siya nang husto bagay na napansin ng kaniyang katrabaho.
“Magpa-check ka na kaya ng dugo, Camilla,” sabi ni Lessel, isa sa malapit niyang katrabaho.
Katatapos lang niyang mag-round sa mga ward at may oras pa sila para makapagpahinga. Silang dalawa lang ni Lessel ang naroon sa lounge. Humigop siya ng kape dahil inatake na naman siya ng antok.
“Kulang lang ‘to sa tulog at pahinga,” matamlay niyang sabi.
Umupo sa katapat niyang silya si Lessel at inayos ang buhok nito. “Ano ba kasi ang problema mo? Stress na stress ka na naman. Daig mo pa ang may konsemisyon na asawa, ah.”
Napatitig siya sa kaibigan. Higit pa sa konsemisyon ang tatay ng anak niya. Itinuring niya itong death threat sa buhay niya. Simula noong nanganak siya kay Charlie, tinubuan na siya ng nerbiyos, lalo’t pasulot-sulpot si Chase at binibisita ang bata. Hindi naman niya ipagdadamot dito si Charlie kaso may trauma na siya sa mga mafia.
Madalas na siyang napa-paranoid at iniisip na baka biglang may dadampot sa anak niya habang nasa school. May malala pa pala ang sasapitin ng kaniyang anak. Hindi naman niya mai-share sa iba ang kaniyang problema. Tanging ang kaniyang tiya ang nakaaalam sa nangyayari sa kanilang mag-ina. Wala ring alam ang mommy niya at ibang kamag-anak.
Binigyan siya ni Chase ng contact number nito pero nakailang tawag na siya. Ni isa sa mensahe niya ay wala itong sagot. Pinagmumura na niya ito sa mensahe.
“Wala nga akong asawa, daig ko pa may sampung makukulit na asawa,” maktol niya.
“Teka, ginugulo ka pa rin ba ng tatay ng anak mo?” usisa ni Lessel.
“Minsan,” tanging nawika niya.
“Hindi ka nagsi-share ng details tungkol sa tatay ng anak mo. Pero sure ako pogi ‘yon. Ang pogi kasi ni Charlie. Ano ba ang nangyari sa inyo?”
Kumibit-balikat siya. “Mahabang kuwento, hindi kaya ng isang taong salaysay,” aniya.
Biglang natawa si Lessel.
Inubos lang niya ang kaniyang kape at bumalik na sa trabaho.
Kinabukasan ay biglang nabago ang schedule ni Camilla sa trabaho. Sa hapon na ang duty niya kaya nakabawi siya ng tulog. Alas-otso na ng umaga siya nagising at nabulabog ng ingay sa labas. Bumalikwas siya ng bangon nang marinig ang tinig ni Chase.
Nagsuot lamang siya ng t-shirt na puti at pajama saka tumakbo palabas ng kuwarto. Naroon nga si Chase pero may kasamang lalaki, pogi, obvious na may lahi ring latino. Napatakbo siya pababa ng hagdan nang marinig na kukunin ni Chase si Charlie.
“Anong kukunin? Nahihibang ka ba?” bulyaw niya sa binata.
“We need to bring Charlie to the safe place to remove his bracelet,” ani Chase.
Naglakbay ang paningin niya sa katawan ni Chase. May mga pasa ito sa mukha, may benda sa kanang braso. Malamang ay napaaway ito.
“Saan n’yo naman dadalhin ang anak ko?” mahinahon na niyang tanong.
“Sa Subic Bay. My friend will help me to remove the bracelet. He’s a bomb expert.”
Nasipat naman niya ang kasama ni Chase na tahimik lang. Mukha naman itong matino. “Totoo?” naninigurong untag niya.
Nagsalita rin sa wakas ang lalaking kasama ni Chase. “Don’t worry. Your son will be safe. Trust me,” sabi nito.
“Trust me this time, Camilla. If I fail, I will kill myself,” sabad naman ni Chase.
Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Kalaunan ay nakumbinsi rin siya. Lumuhod siya sa harap ni Charlie at mahinahon itong kinausap. Wala itong alam sa nangyayari.
“Anak, sama ka muna sa Daddy mo, ha? Ipapasyal ka niya,” kausap niya sa anak.
“Talaga po, Mommy?” masigla namang wika ni Charlie.
“Oo. ‘Di ba gusto mong gumala kasama ang daddy mo?”
“Opo! Kasama ka rin po ba?”
“Ah, hindi. May work si Mommy.”
“Ay. Next time na lang, ha?”
“Sure. Behave ka lang kay Daddy, ah? ‘Wag kang makulit.”
“Opo, Mommy!”
Habang nakatitig siya sa mukha ng kaniyang anak na masaya ay wari dinudurog naman ang puso niya. Naunahan na ng negatibo ang kaniyang isip. Paano kung hindi maalis ang bracelet sa kamay ng anak niya at biglang sasabog?
Tumayo siya at muling hinarap si Chase. “Mangako ka na babalik ang anak ko nang buo, Chase. Huling pagkakataon mo na ‘to,” lumuluha nang saad niya.
“I will,” sabi naman ni Chase.
Napayakap na siya nang mahigpit kay Charlie. Pagkuwan ay pinaubaya na niya ito kay Chase. May nakahanda nang damit na pamalit si Charlie na naayos ng kaniyang tiya. Umalis din kaagad ang mga ito.
Bumalik sa kaniyang silid si Camilla at doon ibinuhos ang pag-iyak habang umuusal ng panalangin. Tinawag na niya lahat ng santo. She even sent a message to her priest uncle, and aunts to ask for a pray over for her son. Idinahilan lang niya na hindi maganda ang kalusugan ng anak niya.
CHASE was thankful that his comrade understood his reason for betrayal. He didn’t have a choice when his former allies and relative Black Mamba caught his weakness. Black Mamba was a mafia boss who became his co-founder of the secret mafia alliance.
Second cousin na niya si Black mamba pero hindi sila gaanong close. Ayaw niyang nakiisa sa mga plano nito kaya ginamit nito ang kaniyang anak upang mahawakan siya sa leeg. Ginawa siya nitong ispiya laban sa kalaban nitong si Vladimir, na isa rin sa kasama nila sa Black Horn Organization. It’s hard for him to do the task while betraying the people he works with. But for the sake of his son, he was forced to do the task.
Naunahan siya ni Black Mamba sa plano niya kaya hindi siya makakilos. Nabuking na siya ng mga kasama niya sa organisasyon kaya kailangan niyang maki-cooperate sa mga ito nang patago. He’s broke. Nanganganib pang isumpa siya nang tuluyan ni Camilla. Baka iyon na ang huling pagkakataon na makakasama niya si Charlie.
Hindi naman niya masisi Si Camilla. Kaya tatanggapin niya ano mana ng desisyon nito. Pero hindi siya papayag na alisin nito ang karapatan niya kay Charlie. He can find ways to get Camilla’s trust. Tatapusin lang niya ang problema kay Black Mamba at malaya na siyang kumilos.
Kasama nila si Yoshin na bumiyahe patungong Subic Bay, sa kanilang headquarters. Katabi nila ito sa backseat ng kotse at napagitnaan si Charlie na maraming tanong.
“Your son was a talking machine, Chase,” sabi ni Yoshin. Ito ang leader nila sa organisasyon at founder.
“He’s like his mother,” aniya.
“No doubt, he’s really your son. I saw your young photos in your house. He looks like you.”
“Yeah.”
Nabaling na naman ang tingin niya kay Charlie nang kalabitin siya nito sa kanang braso.
“Daddy, sabi ni Mommy hindi ako puwedeng sasama sa ‘yo,” sumbong nito.
“In the perfect time, Charlie. Magiging komportable rin ang mommy mo sa akin,” sabi niya lang.
“Ano po ang perfect time?”
“When your mom allows me to live with me.”
“Po?” Napatingala sa kaniya ang bata at namimilog ang mga mata.
“I mean hindi pa ngayon. Marami pang trabaho si Daddy. Hindi pa puwedeng makasama ko kayo.”
“Eh, ‘di ikaw na lang po ang sasama sa amin. Dapat kasama ka namin sa bahay, eh.”
“Ask your mom about that.”
“Ayaw naman niya. Sabi niya hindi ka puwede sa bahay kasi magulo.”
He chuckled. “Camilla was really allergic to my presence,” he uttered.
“Pero, Daddy, gusto ko kasama kayo pareho ni Mommy.”
“Soon, buddy.”
“Sabi ni Lola, magkakaroon ako ng isa pang daddy. Bakit po gano’n?”
Napailing siya. Hindi niya alam kung nakatulong o nakagulo lalo sa mag-ina niya ang tiyahin ni Camilla. Nagbi-brainwash na ata nito ang anak niya.
“That’s not true. Ako lang ang daddy mo,” aniya.
“Ayaw ko rin ng ibang daddy. Ikaw lang gusto kong daddy kasi sabi ng teacher ko kamukha ko ikaw,” ani Charlie.
“That’s true. Don’t allow your mommy to find a new daddy, huh?”
“Okay.” Sumandal sa braso niya si Charlie at humalukipkip.
“You sound territorial, huh?” komento naman ni Yoshin.
“Of course. Mine is only mine,” he said.
“Huh! Inangkin mo lang naman ang hindi sa ‘yo. Mang-aagaw.”
Napukol niya ng matalim na titig si Yoshin. This guy knows everything about him. Yoshin became his close friend since he helped him escape from his dad’s undying task given to him.
Alam din ni Yoshin lahat ng pinagdadaanan niya at handang depensahan siya. Kaya kahit anong pabor ang hilingin nito ay ibinibigay niya. They give and take equally. Yoshin recruited him to his organization after he discovered his skills in stealing his enemy's confidential files, hacking those devices, and manipulating the application.
Before he proceeded to study in college seriously, he studied informational technology. Aside from his inborn talent in illustration, painting, and drawing, he also studied arts-related short courses. He did a lot of research before going to college and took a BS in psychology, switched to biology, and then proceeded to medicine and a specialization in surgery. He spent almost twenty years in study.
Ayaw kasi manahimik ng malikot niyang isip at gustong matutunan lahat ng bagay sa mundo. Without taking new knowledge made him bored. He had never been contented in life. The knowledge he gained wasn't enough to satisfy him. He knew what he wanted, yet it had been ruined.
He has only one goal, and he can’t live normally. He wanted justice for his elder brother’s brutal death and to find the suspect who stole his heart. Biktima ng organ trafficking ang kapatid niya, at hindi matanggap ng sistema niya ang nangyari.
Nakatulog na sa biyahe si Charlie. Hindi na niya ito ginising nang makarating sila ng Subic Bay. Kumilos kaagad sila at pumuwesto sa dagat sa loob mismo ng property ng headquarters nila. Karga niya si Charlie habang binubutingting ni Alejandro ang bracelet sa braso nito.
Si Alejandro rin ang unang nakalikha ng bracelet design na explosive device kaya kabisado nito ang formula maging ang pag-abort nito. Pero dahil may binago sa formula, maari pa rin itong sasabog kahit maalis nila ang safety pin.
Hindi siya marunong magdasal pero umusal siya ng imbentong panalangin para sa kaligtasan ng kaniyang anak.
“Be careful, Ale,” kabadong sabi niya sa kaibigan.
“Don’t worry. The bracelet won’t explode in time. I can’t abort it perfectly, but my idea can reduce the speed of explosion time. We just need the timing to remove it and throw it under the water to reduce the velocity or explosion impact,” ani Alejandro.
“I’ll leave it to you, Ale.” Napapikit pa siya nang kinakalas na ni Alejandro ang pin ng bracelet.
Nagulat na lang siya nang biglang may sumabog malapit sa kanila at nagtalsikana ng tubig dagat. Nabasa na sila. Nang magmulat siya ng mga mata ay wala na ang bracelet sa braso ni Charlie. Nagising lang ito dahil sa pagkagulat kaya niyakap niya nang mahigpit.
“Thank you, Ale! Thank you!” bulalas niya.
“Daddy, what happened? Where are we?” tanong ni Charlie.
Inabot na sila ng dilim sa tabing dagat.
“It’s okay, buddy. We’re on the beach,” he said.
“Beach? Maliligo tayo?”
“Yes,” sabi na lamang niya.
Excited na bumaba si Charlie at tumakbo patungong dagat. Sinamahan na niya ito at tuloy naligo. Nilubos na niya ang pakakataon na kasama ang kaniyang anak sa mahaba-habang oras. Baka kasi iyon na ang huling makakasama niya ito dahil tiyak na pagbabawalan na siya ni Camilla matapos ang nangyaring death threat sa anak nila.
He understands Camilla. It’s for his son’s safety, so he can’t protest. It’s his fault, too. Siya na rin ang iiwas upang matiyak na ligtas ang bata. Pero depende pa rin sa mood niya. Hindi niya kayang tiisin si Charlie. Dahil dito ay nagkaroon siya ng dahilan para gumawa ng mabuti.