Chapter 7

1883 Words
NAKATULOG sa jeep si Camilla dahil sa antok at pagod. Katatapos lang ng duty niya sa ospital nang gabi. Nang masikatan siya ng araw ay tila naupos siyang kandila. Ilang buwan na kasi siyang naka-duty sa gabi. Hindi rin siya makatulog nang maayos minsan sa umaga lalo’t makulit ang kaniyang anak. Napasigaw siya nang maalimpungatan at napansing lumagpas na siya sa kaniyang bababaan. “Manong, para!” sigaw niya sa driver ng jeep. Bigla namang huminto ang jeep. Saka lang niya namalayan na marami palang pasahero sa unahan niya at nakatingin lahat sa kan’ya. Inalipin na siya ng hiya kaya kaagad siyang bumaba. Naglakad na siya pabalik sa baranggay nila at doon nag-abang ng tricycle. “Hay! Palagi na lang ba, Camilla? Sa jeep ka na lang kaya tumira,” kausap niya sa sarili habang sapo ng palad ang noo. Halos araw-araw na siyang lumalagpas ng babaan dahil nakatulog sa jeep. Minsan pa’y naubos ang oras niya kakasakay ng jeep, pabalik-balik dahil kung saan na siya dinadala. Isang beses pa siyang nakarating sa terminal at ginising lang ng driver. Kulang na lang ata ay tatagos na rin siya sa pader dahil sa araw-araw na puyat. Pagdating naman ng bahay ay napawi ang kaniyang kaba dahil sumalubong ang anim na taong gulang niyang anak. “Mommy! I got a star from school yesterday!” masiglang bungad sa kaniya ni Charlie. Pinakita nito ang tatak na star sa kamay nito. “Wow! Very good!” Umuklo siya sabay yakap sa anak. Hindi siya nakauwi noong isang araw dahil straight ang duty niya. Sa susunod na pasukan ay grade one na si Charlie. Anim na buwan na lang din ay seven years old na ito kaya dapat niyang paghandaan. Napatitig siya sa kakaibang bracelet na suot ng kaniyang anak, silver at hindi matanggal. “Teka, sino nagbigay sa ‘yo ng bracelet? Here, oh,” aniya. “Uhm, a guy from school. Binigyan niya ako ng candies then, he put this one.” Itinuro nito ang bracelet. Hindi siya mapakali. Ang kaniyang tiya na lamang ang kinausap niya. Kaso wala rin itong alam kung sinong lalaki ang tinutukoy ni Charlie. Inisip naman niya baka si Chase, bagay na duda rin ng kaniyang tiya. Hindi na niya pinansin ang bracelet. Speaking of Chase, ilang taon din itong hindi nagparamdam sa kanila, ni walang binigay na pera. Kung sa bagay, tinanggihan niya ang huling perang binigay nito. Pero natuklasan niya na pasikreto palang pumupunta si Chase sa school ni Charlie. Nagulat na lang siya na kilala ito ng anak niya. “Tita, pumupunta pa rin ba si Chase sa school ni Charlie?” tanong niya sa kaniyang tiya. Ito kasi minsan ang nagbabantay kay Charlie kung wala si Katya. Nag-aalmusal na sila. “Hm, minsan. Noong Lunes pumunta siya at nagbigay ng laruang eroplano kay Charlie. Binigyan nga niya ako ng sampung libo, magpa-rebond daw ako,” ani Solidad sabay tawa. Napailing naman siya. Sa tuwing nalalapitan ni Chase ang kaniyang anak ay inaalipin siya ng kaba. Baka kasi masundan ng kaaway nito si Chase at madamay ang kaniyang anak. “Makulit din talaga ang isang ‘yon. Sabi na huwag siyang lalapit kay Charlie,” inis na sabi niya. “Ano ka ba, Camilla? Wala namang ginagawang masama ‘yong tatay ng anak mo. Bakit ba taboy ka nang taboy sa kan’ya?” “Tita, alam mo na ang dahilan. Aware ka kung gaano kapanganib ang mga mafia. Si Daddy nga ni hindi n’yo na nakita ng ilang taon. Umiiwas siya sa inyo dahil ayaw niya na mapahamak kayo.” “Kung sa bagay. Ayaw naman kasing magbagong buhay ni Loreto. Tatanggapin pa rin naman namin siya na mga kapatid niya.” “Kaso nga kung aalis siya sa trabaho niya, baka habulin naman siya ng mga kalaban niya. Iyon ang dahilan bakit ayaw na niya umuwi sa amin. At ayaw ko na mangyari rin ‘yon sa amin ni Charlie. Hanggat maari ay ayaw ko na malaman ng mga tao na si Chase ang tatay ng anak ko. Makikilala siya ng mga kung sinong kaaway ni Chase at gagamitin ang anak ko laban sa kan’ya.” “Hay! Sayang talaga si Chase. Ang guwapong lalaki, matalino, bakit ba ayaw niyang malagay sa tahimik na buhay? Okay naman ata ang trabaho niya bilang doktor.” Hindi na siya nagkomento. Sinubuan niya ng gulay si Charlie dahil puro laro ang ginagawa nito. Lumalamig na ang pagkain nito sa plato. Dinala nito sa lamesa ang laruang eroplano. Isang kahon na ang laruang binigay rito ni Chase, hindi naman nagagamit lahat. “Mommy, bakit po hindi umuuwi sa bahay si Daddy?” mayamaya ay usisa ni Charlie. “Uh, kasi malayo ang trabaho niya, anak,” alibi niya. Hindi na siya basta makapagsinungaling sa kaniyang anak dahil matanong ito at nabubuking din siya dahil kay Chase. “I want to sleep with Daddy, eh. Sana uwi na siya.” Nanikip na naman ang dibdib niya. Uhaw na uhaw sa atensiyon ng ama si Charlie. Palagi pa siyang nasa trabaho kaya limitado ang oras niya rito. Mabuti nariyan ang kaniyang tiyahin na magaling ding mang-uto at magpatawa. Nalilibang nito ang bata. Gabi na nang magising si Camilla at nagtataka siya bakit maingay ang kaniyang anak. May tatlong oras pa bago ang duty niya sa ospital. Bumangon na siya at naligo pero hindi muna siya nagsuot ng uniform. Pagbaba niya ng lobby ay ginulantang siya ng presensiya ni Chase. Noong third year birthday pa ni Charlie niya ito huling nakita pero sumilip lang at nag-abot ng regalo. Malaki ang pinagbago ni Chase, nag-mature, medyo pumayat pero hindi masyadong halata. He wore black long sleeve shirt and black denim pants. Hindi niya alam kung paano ito kausapin. Dinig niya na sinabi nito kay Charlie na huwag piliting alisin ang bracelet sa kamay nito. Nagduda na siya. May kakaibang pakiramdam talaga siya sa bracelet na ‘yon. “Daddy, are you leaving?” tanong ni Charlie sa ama. Tumayo na kasi si Chase. “Yes, but I need to talk to your mommy first,” ani Chase. Nilagpasan ni Camilla si Chase at dumiretso siya sa kusina. May naluto nang hapunan doon pero tambak ang hugasin sa lababo. Ramdam niya ang presensiya ni Chase na pumasok ng kusina ngunit hindi niya pinansin. Nagpakaabala siya sa paghuhugas ng kubyertos. “Camilla, we need to talk,” sabi ni Chase. “Talk for what? Kinakabahan ako sa tuwing nakikita kita, Chase,” aniya. “You need to know this. About Charlie’s bracelet.” Natigilan siya habang hawak ang plastic na baso. Wala pa ma’y kumakabog na ang dibdib niya sa kaba. Marahas siyang humarap kay Chase. “Ikaw ba ang naglagay ng bracelet sa braso ni Charlie?” kastigo niya rito. “No, and it’s not just a bracelet.” Bumakas sa mukha ni Chase ang pagkabalisa kaya lalo siyang nilamon ng kaba. “Eh, ano ‘yon?” “It’s an explosive device. My former friend put the bracelet as a threat so they can control me and use me against their enemy.” Ilang sandali siyang tulala nang mapagtanto na nanganganib ang buhay ng kaniyang anak. Nangatal ang kalamanan niya at hindi malaman ang gagawin. Nataranta na siya. “P-Paanong explosive device? Kung aalisin ba ang bracelet sasabog ang anak ko?” balisang tanong niya. Napaluha na siya sa takot. “Yes, kaya huwag n’yong piliting alisin ang bracelet. I’ll find ways to remove it safely, but it may takes time. May kailangan pa akong ayusin.” Pakiramdam niya’y nag-akyatan lahat ng dugo niya sa ulo. Lalo siyang nagpuyos sa galit kay Chase at hindi napigil ang sarili na dumaldal. Dinuro niya ng plastic na baso si Chase. “Sinasabi ko na nga ba! Noon pa dapat hindi ka nagpakita sa anak mo! Ang kulit mo! Oras napahamak ang anak ko, hindi kita mapapatawad, Chase! Buwisit ka talaga!” nanggagalaiting bulyaw niya kay Chase. Hindi na niya nakontrol ang kaniyang kilos at biglang naihagis ang hawak na basong plastic kay Chase. Tumama ito sa noo ng binata. “Ugh! What the hell!” dumadaing nitong asik. “What the hell mo mukha mo! Papatayin mo ang anak ko, bwisit ka!” lumuluha nang bulyaw niya. Sinugod pa niya si Chase at pinagsusuntok sa dibdib. “Enough!” awat nito. Ginapos na siya nito. “Gawan mo ng paraan ‘to, Chase! Hindi kita mapapatawad kapag napahamak ang anak ko,” himihikbing wika niya. Nawalan na siya ng lakas dahil sa labis na paninikip ng kaniyang dibdib at walang tigil na pag-iyak. “Gagawa ako ng paraan. Ingatan n’yo lang na hindi matanggal ang bracelet. Kahit ikamatay ko ‘to, ililigtas ko si Charlie.” “Huwag kang mangako, buwisit ka!” Walang lakas na sumusuntok siya sa dibdib ni Chase. “Mommy? Daddy? Are you fighting?” tanong ni Charlie. Bigla na lang itong pumasok ng kusina. Lumayo naman siya kay Chase at tumalikod. Hindi niya hinarap si Charlie dahil iiyak din ito sakaling makita siyang umiiyak. Mabilis niyang pinahid ng kamay ang luha sa kaniyang pisngi. “No, baby. Nag-usap lang kami ng daddy mo. Maglaro ka na ulit,” aniya. “Let’s go, buddy,” paanyaya naman ni Chase kay Charlie. Nang makalabas ang mag-ama ay saka muling humagulhol si Camilla. Hindi pa rin siya mapakali. Kinagabihan ay hindi na nakapasok sa trabaho si Camilla dahil sa nerbiyos. Binantayan na lamang niya si Charlie baka mairita ito at piliting maalis ang bracelet. Pati ang kaniyang tiya ay nataranta na rin. “Mag-report na lang kaya tayo sa pulis, Camilla,” ani Solidad. “Hindi puwede, Tita. Baka biglang pasabugin ng sindikato ang bracelet kasi namu-monitor nila,” umiiyak pa ring sabi niya. Nakatulog na si Charlie matapos maglaro. Kumain na rin ito ng hapunan. Doon na niya ito pinatulog sa kaniyang silid para mabantayan niya ng kilos. Malikot pa naman itong matulog. “Eh, paano kung hindi magawan ng paraan ni Chase na maalis ang bracelet? Ano ba kasi ang nangyayari sa kaniya?” “Ewan ko sa g*gong ‘yon! Kasalanan niya ‘to, eh. Kung hindi siya lapit nang lapit kay Charlie, hindi malalaman ng sindikatong kalaban niya na may anak siya. Puro sakit ng ulo na lang talaga ang binigay sa akin ng lalaking ‘yon!” “Hay! Wala talagang katahimikan ang buhay ng mga mafia. Hindi man lang nag-iingat si Chase. Alam niya’ng delikado ang buhay niya, idinamay pa niya si Charlie.” “Once naalis itong lintik na bracelet na ito, kahit anino ni Chase, hindi puwedeng makalapit kay Charlie!” gigil niyang wika. “Ikalma mo muna ‘yan, hija. Matulog ka baka mahilo ka na naman. Ipagdasal na lang natin na matapos na itong problema at mailigtas si Charlie.” “Paano ako kakalma, Tita? Nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng anak ko. Hindi ako makakatulog hanggat hindi naalis ang bracelet na ‘to kay Charlie.” “Eh, kulitin natin si Chase. Hindi puwedeng magtagal pa ‘to.” Hindi na siya nakaimik dahil sa pag-iyak. Kahit pagkain ay hindi niya magawa nang maayos dahil sa labis na pag-aalala sa kaniyang anak. Hindi na muna niya papasukin sa school si Charlie baka biglang mahablot ng kaklaseng kalaro nito ang bracelet at maalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD