NAUDLOT ang pagsasaya ng mag-asawa dahil sa parating na problema. Hindi makapag-focus si Camilla sa mga bisita maging sa pagkain. Nag-crave siya sa nachos salad na ginawa ni Maya kaya ito ang pinapak niya pantanggal umay sa tamis ng cake. Nang mabusog ay nagpahatid siya kay Chase sa kuwarto. Umuwi na rin sina Ingrid at Dwayne maging si Annie kaya wala siyang kakuwentuhan. Umalis na rin si Maya dahil mag gig sa bar. Ang mga lalaki ang naiwan at in-charge sa pagkain. Sponsor kasi ni Vladimir ang catering nila. “Matulog ka kung inaantok ka, babe. Mag-uusap lang kami nina Vladimir at Yoshin,” ani Chase. “Maliligo muna ako. Huwag kang paabot ng hating gabi sa labas, ah? Patulugin mo na rin si Charlie. Kanina pa ‘yon nagrereklamong inaantok,” aniya. “Oo na. Ako ang bahala. Huwag ka na ring m