“MOMMY!” excited na tawag ni Charlie nang makita si Camilla. Tumayo pa ang bata at tumakbo patungo sa kan’ya. Kaagad siya nitong niyakap. “Anak, sino ang bisita natin?” kabado pa ring tanong niya sa anak. “Mommy, siya raw po ang lolo ko, daddy ni Daddy,” ani Charlie. Nanlumo siya nang makumpirma ang naisip. Nanginig na ang kan’yang kalamnan nang maisip na naroon ang daddy ni Chase para kunin si Charlie. Sumenyas siya kay Marlon. Lumapit naman ito sa kan’ya. “Sorry, ma’am, hindi na kita nasundo. Ayaw kasi akong paalisin ni Sir Victorino. Marami kasi siyang tanong tungkol kay Sir Chase na ako lang ang makasagot,” ani Marlon. “K-Kanina pa ba siya rito?” balisang tanong niya. “May kalahating oras na po. Hinihintay niya si Sir Chase.” “Eh, ano ba ang pakay niya?” “Hindi ko po alam. Mas