MATAPOS mapakain ang kan’yang ama ay sinamahan ito ni Camilla sa banyo. Binantayan niya ito dahil naligo at hindi lang binasa ang may sugat na hita. Awang-awa siya sa kan’yang ama habang pinagmamasdan itong nakatalikod. Bakat na bakat na ang buto nito sa likod. Epekto na marahil ‘yon ng stress at puyat. “Nasaan si Charlie, anak?” tanong ng kan’yang ama. “Tulog pa po siya. Mamaya paggising niya ay dadalhin ko siya rito.” “Hindi na siguro ako kilala ng apo ko.” “Kilala ka niya sa mukha. May itinabi akong picture n’yo na kasama si Mommy. Matandaing bata si Charlie. Kahit isang beses lang niyang nakita ang isang tao, maaalala niya kaagad once nakita niya ulit kahit gaano katagal.” Natapos na naligo ang ginoo kaya inalalayan niya sa pagbihis. Hawak niya ang dextrose nito na gusto nitong ip