Maegan's Point Of View* May inutos si Edrian at kami lang ni Drew ang nandidito ngayon. "Andrew, may supresa tayo kay Ed mamaya." "Oi, what is it?" "May blind date na ibibigay natin sa kanya." "Eh? Blind date? Sino?" "Edi sino pa ba? Edi ang crush niya." Napatakip sa bibig si Drew dahil sa sinabi ko. "Oh shocks! Talaga? Paano mo napapayag yung isang yun? Manager yun diba?" "Yes, si Frank. Sa simula ay hindi ko siya napapayag but! But ha... kaninang recess ay nag kausap kami at gusto niyang makabawi kay Ed." "Woah, wait a minute? Anong makabawi? Anong meron?" "Frank and Edrian have the same feelings to each other pero takot lang silang aminin sa isa't isa ang bagay na yun." Napatakip sa bibig si Andrew. "Woah, di ko aakalain na may ganun feelings din yung isang yun. Akala ko c