Maegan's Point Of View* Nakatingin ako sa kanya at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Gwapo ka ba?" tanong ko sa kanya na kinataka niya. "Hindi." "Marami ka bang pera?" "Wala." "May abs ka ba?" "Kaunti lang." "Nah, hindi kita sinusundan dahil wala ka maski isa doon." Nakita ko na nakakunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. "What!" "Stalker ka!" "Wow ha? Stalker? Mukha mo stalker." "Mae, ano yan?" Napatingin ako kay Miss Kate na nagsalita sa gilid ko. "Miss oh, akala niya sinusundan ko siya. Ang kapal ng mukha eh dito naman ako nagtatrabaho sa department na ito." Napakunot ang noo ni Miss Kate at inilagay niya ako sa likuran niya. "Mister, bago kang manghusga na stalker ang Junior ko ay tingnan mo muna ang mukha mo kung habulin ka ba o hindi." Tumango tango ako na k