Maegan's Point Of View* Niyakap ko ng maige ang unan na nasa gilid ko at ang bango pa niya pero ang pinagtataka ko ay niyakap din niya ako pabalik. Dahan dahan akong nagmulat at napatingin ako sa kayakap ko at nanlalaki ang mga mata ko na makita siya. Imbis na sumigaw ay pinakalma ko ang sarili ko. Tiningnan ko ang mukha ni Aiden. Alam ko naman na kwarto niya ito pero sana sa sala na lang sana niya ako pinatulog imbes na sa kama kaming dalawa. Dahan dahan akong humiwalay sa pagkakayakap at nang makatalikod na ako sa kanya at nagulat na lang ako nung yakapin niya ako sa likod ko at ang mukha niya ay nasa leeg ko na kinanindigan ng mga balahibo ko. Napatikhim ako ng mahina. "L-Let me go, Aiden. Susuntukin kita kung di mo pa ako bibitawan." "Kailangan kong maging masanay na bugbugin m