3rd Person's Point Of View* Sa isang warehouse ay nagtawanan sila habang naglalaro ng baraha sa isang gilid. Mayroon ding mga beer at pulutan sa gilid dahil nagsasayahan sipa dahil nakuha na din nila sa wakas si Aiden na matagal na nilang gustong makuha. Hindi natuloy sa unang pangyayari dahil may nagpakealam na van at ilalawa naman ay marami na itong mga gwardya na dumating sa Pinas. "Sa palagay mo kaano ano niya yung babae?" tanong nung isa. "Nakita mo ba yung suot ng babae? Sa club atah yun. Grabe natanghalian atah sila ng gising." Natawanan naman sila. "Siguro, one night stand lang niya iyon pero bakit parang pinuprotektahan nung Aiden na yun ang babaeng yun?" "Inosente naman kasi yung babae. Isa lang yun sa mga call girl at ayaw niyang mapaano." "Eh bakit natin sinama dito?"