Napako ako sa aking kinatatayuan. Bakit ‘di ko nga ba naiisip na si First ay posibleng anak ng may-ari gayong walang kapantay ang kapangyarihang hawak nito sa loob ng Empire University. “Tutunganga ka na lang ba d’yan?” mahina nitong turan nang madaanan ako. Napalunok ako. “Halika na, Allison.” Sambit ni Sir Cadden. Lihim akong humugot ng malalim na paghinga saka humarap sa mga ito. Ipinaghila ako ng upuan ng isa sa mga katiwala na nasa tapat ng kinauupuan ni First. "Haylee, ano ang impression mo sa pinakabago nating miyembro?" makabuluhang turan ni Don Alberto sa kalagitnaan ng pagkain namin. Parang hindi ko magawang lunukin ang karne dahil tila ba kumikipot ang lalamunan ko at ito ay bumabara lalo pa nang silipin ako ni Haylee mula sa kinauupuan nito. "She’s— pretty," nakangiting tur

