Napatingin ako sa labas at mula sa loob ay nakikita ko ang bawat patak ng ulan na tumatama sa salamin ng sasakyan. Inilapit ko pa ang mukha sa bintana upang makita ang makulimlim na kalangitan. Mariin kong ipinikit ang mga mata upang alisin lamang sa isip ang masamang panaginip na paulit-ulit na dumadalaw sa aking paidlip.
"Allison," agad kong inalis ang headset na nasa tenga ko nang sikuhin ako ni Stephanie.
"Ano na?" kunot-noong tanong nito. "Iyong panaginip mo nanaman?" dugtong nito na para bang sigurado sa sinasabi. Tumango lang ako saka muling tumingin sa labas.
"Nakakatakot ba talaga?" tanong ulit nito.
"Anong nakakatakot, sobrang nakakatakot!" bulalas ko, sa loob ng dalawang buwan, ang panaginip na 'yon na ang laging nagpapagising sa akin sa tuwing sasapit ang hating gabi.
Kasalukuyang binabagtas ng sasakyan namin ang kahabaan ng National Highway papunta sa kabilang bayan ng San Isidro, sa totoo lang ay nakikisakay lang naman talaga ako dahil ang sasakyan na 'to ay pagmamay-ari ng kaibigan kong si Stephanie ang bunsong anak ng mga Villegas. Mayaman ang pamilya niya, may tatlong lalaking kapatid, mapagmahal na magulang, nabibigay na luho, in short, may siguradong kinabukasan. Kabaliktaran sa kung ano at sino ako.
Magmula nang mangyari nag nakatakdang kasalan ay umalis na ako sa bahay ng akong tiyahin at pinsan. Laking pasasalamat ko sa Don dahil hinayaan niya akong pag-isipan muna ang kasal.
Sa nagyon ay umuupa lang ako sa isang maliit na apartment, umaasa sa scholarship at rumaraket para sa pang-araw-araw na gastusin. Walang side-line, walang kain. Sa madaling sabi, kailangan kong kumayod para mabuhay. Dahil sa buhay, mag-isa lang ako. Maliban sa nag-iisang anak lang ako ay wala na rin ang mga magulang ko. Sa katunayan ay noong nakaraang araw ko lang din nalaman na wala na pala akong magulang. Nagsinungaling sa akin si Tita upang manatili ako sa kanila and they took that opportunity upang alilain ako.
Thanks to Don Alberto naging maliwanag sa akin ang lahat. Mayaman naman kami, kung hindi lang sila nawala. Okay lang naman sa akin ang gumapang sa hirap basta kasama lang sila. At matatanggap ko naman ang pagkawala nila kung sa marangal na dahilan lang nangyari ang lahat. Kaso hindi eh, pinatay ni Daddy si Mommy, at pagkatapos nun, binaril niya ang sarili niya habang hawak-hawak ang litrato ko.
Nakabase lang naman ang lahat sa mga impormasyong ibinibigay sa akin ng pulis. At ang nakikita nilang motibo ng pagpapakamatay ay ang pagkakabaon sa utang, pagkaubos ng ari-arian, maging ang bahay na tinitirahan namin ay hindi na pala sa amin, matagal na, bagay na di ko alam.
Ang sabi ng kapitbahay namin, baka kung umuwi ako ng maaga ay pinatay na rin ako ng Daddy ko upang magkasama kami. Walang tistigo, maging ang mga kasambahay naming ay pianuwi nila.
Maliban sa ala-alang 'yon, wala na. Dahil kung iisipin talaga, ang buong buhay ko ay nakabase lang sa kwento. Kwento ng mga taong nasa paligid ko. At ang mga kwentong 'yon ang bumuo ng buhay ko, ang kumompleto ng mga ala-alang naglaho.
"Allison, enrollment na, nung nakaraang buwan pa, nakapagpaenroll ka na ba?" tanong sakin ni tita Cherry, mommy ni Steph.
"Titigil po muna siguro ako?" sagot ko dito.
"Ha? Sayang naman, Yha!" bulalas nito, nakita ko pang tiningnan ako ng asawa nitong si Tito Andrew mula sa rear view mirror.
"Ba't kasi ayaw mo pang tanggapin ang alok namin, Allison? Hindi ka na iba sa amin, para ka na rin naming anak," sabi ni Tito sa nagtatampong tono. Agad namang sumang-ayon si Tita at Steph sa sinabi nung nauna.
"Hanggat kaya ko pa po Tito, hindi po muna ako tatakbo sa inyo." Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa, gusto kong makita kung hanggang saan ako at isa pa nais kong patunayan kay Tita at Priscilla na kaya ko na wala sila.
"Diba Steph, nag-ooffer ng scholarship 'yong school na papasukan mo ngayon?" baling ni Tita sa anak niya.
"Oo nga Allison, mag take ka kaya?" mungkahi naman ni Steph. Para akong nabuhayan sa narinig, ganito ang buhay ko, umaasa sa side line at scholarship.
"Hon, antique shop ba 'yon?" bigla na lang turo ni Tito Andrew sa nadaanan naming shop. Napalingon kami ni Steph sa itinuturo ni Tito habang itinigil naman ni Tita ang sasakyan sa gilid ng daan. Likas na mahilig sa mga lumang bagay ang mag-asawa, hobby na nila ang kumolekta ng mga antique na bagay.
Gaya ng inaasahan, binalikan namin ang antique shop.
"Noong nakaraang linggo, wala pa kayo dito ah." untag ni Tito sa tindera.
"Opening po namin kahapon, at may bonus po kami sa mamimili. Buy one take one po kami for three days." nakangiting turan ng isa pang sales lady.
"Talaga? Eksakto pala ang punta natin, Mahal." Natutuwang turan ni Tito Andrew sa asawa.
Nagsimula na kaming maglibot-libot. Maliban sa wala akong pera ay wala naman akong hilig sa mga ganitong bagay kaya nakikitingin na lang ako. Isa pa, nakakatakot kaya. Ganito 'yong nakikita ko sa mga horror story eh, bibili ka ng mga bagay na pinaglumaan na ng iba, tapos 'di mo alam, may sumpa pala. Mas nakakatakot pa 'yon pag nagkataon kesa sa panaginip ko. Iniisip ko pa nga lang ay pinaninindigan na ako ng balahibo.
Medyo napapalayo na ako sa kanila, naagaw kasi ng isang salamin ang atensyon ko. Ganito talaga 'yong mga salamin sa napapanonood kong horror movies eh, 'yung may babaeng kakausap sayo mula sa loob ng salamin.
Naglakad pa ako hanggang sa mapadpad ako sa lagayan ng mga palamuti sa katawan. Napatigil ako sa isang kakaibang bagay. Tila ba sinadyang habiin upang humulmang bahay ng gagamba. Napakaganda rin ng mga batong isinabit dito upang magkaroon ng buntot at-- at ano to? Balahibo ng ibon?
Agad akong napahimas sa sintido nang bigla itong sumakit na parang mabibiyak.
"Napakaganda, hindi ba?" Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita.
"O-opo, ano po ba 'to?" itinaas ko pa sa ere ang malabahay ng gagamba.
Sinulyapan niya ang bagay na hawak-hawak ko bago nagsalita, "Dreamcatcher." Dun ko lang napansin na, ang kaharap ko ngayon ay may katandaan na, base na rin sa mga iilang guhit sa noo niya at ang dalawang guhit ng panahon sa gilid ng mga mata.