Chapter Three: Allison - The Necklace

1007 Words
"D-dreamcatcher po, tigasalo ng panaginip?" Nagdadalawang-isip kong tanong. "Naniniwala ang mga amerikano na ang Dreamcatcher ay siyang sumasala sa panaginip. Sa oras na inilagay mo ito sa ibabaw, kung san ka natutulog ay hindi ka mananaginip ng masama, dahil tanging ang mga magagandang panaginip lamang ang pinapatagos nito at hinahayaang mawala ang mga masasama." Pagpapaliwanag niya. Parang nahikayat niya akong bilhin ang dream catcher na 'yon, dahil naniniwala ako sa mga bagay na di kayang ipaliwanang ng mga normal na tao. In short, mapamahiin ako. "Alam mo bang sa anak ko 'to. Sa katunayan nga'y siya ang gumawa nito." Bigla na lang sabi ng babae habang titig na titig sa akin. Halatang proud na proud siya. "T-talaga po? Asan po siya?" Bigla ko na lang natanong. "Wala na. Matagal na." Parang nawala ang gana kong bilhin ang bagay na 'to. "Pero wag kang matakot, wala 'yang sumpa." Natatawang turan nito. "Pano niyo po nasabing natatakot ako." pabulong kong turan. Humalakhak 'to na para bang tuwang-tuwa siya. "Madali ka lang basahin, nakikita ko sa mga mata mo. Katulad na katulad mo ang anak ko, ang buhok, ang mga mata mo, kasingtangkad mo rin siya kaso mas bata lang siya sa 'yo nung mawala siya, ilang taon ka na ba?" Tanong niya sa akin. "18 po." Sagot ko dito. "Aba, magka-edad rin kayo. Minsan ka na bang nanaginip ng masama?" Bulalas nito. "Nitong mga nakaraan ho, palagi." sagot ko. Dala-dala ang dream catcher ay inakay niya ako papunta sa nakakwadradong mga istante na nagsisilbing counter. Pumasok siya saka may hinalungkat sa ilalim. "Tingnan mo, diba magkatulad kayo ng mata. Napakaganda ng anak kong si Rebecca." tuwang-tuwa niyang turan. Tinitigan kong maigi ang nasa larawan, maganda ang babae at may mahabang buhok. Tama ang Ale, magkatulad kami ng mga mata. At Rebecca pala ang pangalan nito. "Rebecca po pala ang pangalan ng anak niyo." nakangiti kong turan. "Areum. Areum Rebecca." nanlaki ang mata ko sa mangha, Areum din pala ang first name nito. "Magkano po lahat?" bigla na lang tanong ni Stephanie dala-dala ang pinamili. "O, Allison. May napili ka na?" tanong niya sa akin. "Ah oo. Magkano po ba 'yan?" sagot ko kay Steph. Saka ko tinanong kung magkano ang presyo ng dreamcatcher. Meron naman akong kunting naitabi. "Sa 'yo na 'yan Rebecca." nakangiti niyang turan saka isinupot ang dreamcatcher. Naiintindihan ko kung bakit niya ako tinawag sa pangalang 'yon. Alam kong di matatawaran ang pangungulila ng isang ina para sa kanyang anak. "Anong Rebecca? Eh Allison ang pangalan niyan." singit ni Steph. Siniko ko siya para lang manahimik na siya. "Babalik ka dito, Rebecca ha." nagsusumamong turan ng Ale. "Ewan ko sa inyo." bulong ni Steph. "Kung may pagkakataon po. Babalik po ako." sabi ko na lang kahit di naman ako sigurado kung makakabalik pa ba ako. "Pero sigurado po kayong akin na lang 'to? Sa anak niyo pa naman 'to." nababahala kong tanong. "Ayos lang, alam kong natutuwa siya ngayon." nakangiti nitong tugon. "Eh, salamat po ha." pasasalamat ko na lang. "Bayad na po kami." singit naman ni Steph. Paalis na sana kami nang humabol ang Ale at may ibinigay sa aking maliit na pouch. Isiniksik niya lang 'to sa kamay ko. "Ay, 'wag na po." ibabalik ko sana kaso ayaw niyang tanggapin. "Salamat ho." paulit-ulit kong sabi. Naiwan na ako nila Steph kaya kailangan kong magmadali. Nagmamadali na rin kasi kami dahil pabagsak na ang ulan. Palabas na ako ng shop nang biglang huminto sa harap ko ang isang convertible white Lamborghini Aventador. Mula sa mamahaling sasakyang 'yon ay lumabas ang isang lalaking naka puting t-shirt at naka tattered jeans, halatang anak mayaman. Tumigil ako upang titigan siya dahil napakapamilyar ng kilos niya. Gusto kong makita ang mukha niya ngunit nabigo ako dahil natatakpan ito ng itim na sombrero. Ang tanging nakita ko lang ay ang pagkintab ng hikaw niya sa kaliwang tenga na bumagay sa hulmado nitong panga. Bahagya niya pang inayos ang sombrero dahilan para mapansin ko ang mapuputi at malakandila nitong mga daliri. Nagtuloy-tuloy siya papasok sa loob ng antique shop. Hindi ko man nakita ang mukha niya dahil sa nakayuko siya at mabilis kung maglakad, pero alam kong gwapo ang binata. "Allison!" kung di pa ako tinawag ni stephanie ay di ko pa mamamalayang kanina pa pala ako nakatitig sa nakatalikod na lalaki. Agad akong tumalima at tinungo ang sasakyan. Di ko pa nakikita ang laman ng pouch, kaya wala akong ideya kung ano ang bagay na binigay ng Ale. "Wow ha. Close agad kayo nung Ale." tukso ni Steph sabay siko sa akin. "Di naman. Nakikita niya lang talaga 'yong anak niyang si Reveca sa akin." sagot ko dito. "Eh ano ba 'yong binigay niya?" biglang tanong niya sa akin. Inilabas ko ang dreamcatcher. Dinukot ko ang pouch sa bulsa ng coat ko at binuksan. "Wow!" bulalas ni Stephanie nang lumantad sa harap namin ang isang dream catcher na kwintas. Di ako makapagsalita sa nakita. Ang tanging alam ko lang ay maganda, napakaganda ng kwintas na 'to. Bigla kong nabitawan ang kwintas saka impit na napahiyaw nang maramdaman ang pananakit ng ulo. Ramdam ko ang biglaang paghinto ng sasakyan kasabay ang sunod-sunod na tanong. "May sakit ka ba Allison?" tanong ni Tita Cherry sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nilang lahat. "Ilang gabi na po kasi akong walang maayos na tulog." sa palagay ko ito talaga ang dahilan. "Naku Allison, kapag may naramdaman kang di maganda o may problema ka, 'wag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Tita Cherry mo." sabi ni Tito Andrew. "Don't worry Mom, Dad. Di na sasakit ang ulo ni Allison dahil meron na siya nito." nakangiting turan ni Steph saka isinuot sa akin ang kwintas. "Dreamcatcher ba 'yan?" bulalas ni Tita. "Opo, ang ganda po 'di ba?" pagyayabang ni Steph. "Ang ganda nga. Magkanong bili mo?" buong paghangang tanong ni Tita. "Bigay lang ho nung Ale, 'yong may ari." nahihiya kong sagot. "Masuwerte ka pa rin Allison." sabi ni Tito. Tama, kahit papano'y pinagpala pa rin ako. Sana, makatulong ang dream catcher na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD