Binabagtas ko ang malawak at mataong corridor ng Empire University na mabigat ang loob. Para akong maiiyak. Hindi ko nakonsidera ang tsansang may kasintahan na si First. Paulit-ulit naman na nagpi-play sa utak ko ang mukha nilang dalawa. Medyo kahawig pa naman sila. "Sabi nila kapag meant to be ay halos magkakahawig na--" "Calling Miss Areum Allison Santander to please proceed to the Directors office as soon as possible." Napatigil ako sa pag-iisip nang muling marinig ang announcement. "Eto na nga sabi-- papunta na," bulong ko sa sarili saka kumaripas ng takbo. Nang marating ko ang Director's office ay tumayo muna ako sa labas at nag-ayos ng sarili. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob, sumalubong sa akin ang malamig na silid at ang mabangong amoy ng room freshener. Sumalubong sa a

