Pinatay Tawanan at usapan ang aking narinig sa pa-party na ito ni Don. Halos hindi ko makain ang aking pagkain na masarap. Parang nawalan ng halaga ang masarap na pagkain na ito para sa akin. Alam nang lahat na si Diego pala ay kanyang inalagaan. Si Diego na gusto ni Don dahil hindi siya nagkaanak nang lalaki. At gusto niya si Diego para kay Melissa. Gustong gusto nila pala si Melissa. "Oh.. kita mo naman. Pinangalanan ni Melissa ang anak namin na Melissa dahil mahal na mahal niya ito. Alagang alaga niya bago namatay.." kwento ni Don sa kausap. Tila lasing na. Oh. Magkapangalan rin pala si Mama at Melissa. How ironic. Tumaas ng husto ang kilay ko. That's it huh? Naalala ko ang Toronjil na nakalagay sa picture frame ni mama. Ibig sabihin nun ay Melissa. Pinalagay talaga doon. Ni