Unfair Pagka gising ko kinaumagahan ay papadaong na ang yacht sa Batangas. Lumabas ako ng kuwarto at nakitang nakaantabay na sila ni Felix sa pagdaong ng Yacht sa pantalan. Hinihipan ng malakas na hangin ang aking buhok. Nang maramdaman ni Felix ang presensya ko ay nilingon niya ako. "You should sleep more." Utos niya. Umiling ako at tumitig sa Pantalan na malapit na. "Malapit na tayo kaya hindi na ako matutulog. Saan tayo mamaya?" He crawled his hand on my waist. "Uuwi kana sa daddy mo. He called me earlier today. Alam niyang magkasama tayo." Natigilan ako. Wala akong maramdaman na kahit ano. Walang takot o kaba. Hindi ako ang taong nagsinungaling kundi sila kaya bakit ako matatakot at kakabahan? Tapos na ako sa ganoong pakiramdam. Kapag nakakaramdam ka ng takot ay madali