RAIDEN POV. NAGTATAKA ako kung ano ang nangyari sa akin. Bakit hindi ko maigalaw ang aking buong katawan, kamay at paa. At kahit ang aking leeg ay nahihirapan kong ibaling. Panaginip lang ba ito o baka naman patay na ako dahil puro puti ang nakikita ng aking mga mata? “Anak, gising ka na ba?” familiar ang boses na yon kaya sinikap kong ibaling ang aking mukha sa taong nagsasalita. “Oh, S-Senora Valeria, m-mabuti naman at n-narito ka pala?” namamalat ang aking boses dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. “Natural dahil ina mo ako kaya pansamantala ay dito muna ako nakatira ngayon. Pero parang okay naman na ang katawan mo. At sa palagay ko ay normal din ang utak mo kaya siguro ilang araw lang ay aalis na rin ako.” Sa pananalita ng aking ina ay parang hindi ako normal. May saltik ba ako s