CHLOE POV. NGAYON ay ika-fifteen months ng kamatayan ni Mr. Raiden. Pero heto ako at nakatulala lang sa kawalan. Sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nangyari ito sa aking buhay. Ayaw ko ng sisihin pa ang aking ina sa lahat ng ‘to. Dahil ang concern ko na lang ngayon ay ang masakit na nangyari sa lalaking kaisa-isa kong minahal. “Halika na at naghihintay na sa atin si Ezco.” “Kayong na lang wala akong gana.” “Please, alam kong sobrang sakit sa part mo ang mga nangyari. Pero nariyan si Ezco, tinutupad naman niya ang kanyang ipinangako.” Ngunit umiling lang ako, at tumalikod. “…. Hanggang kailan ka ba paaalipin ng pagmamahal mo sa lalaking kahit minsan hindi ka naman minahal. Hindi mo ba naaalala kong anong naging trato niya sayo. Isang laruan, parausan, taga bigay n