EZCO POV HINDI mawala sa isipan ko ang sinabi ni Chloe na baka buhay lang si Master Rai. Possible ba na ang mga panaginip ay magkapareho? Ayon pa kay Chloe, maraming beses na itong nananaginip na nakikipagtalik. Pagkatapos ay nitong huli ay yong nangyari sa batuhan. Totoong nakatulog daw siya sa ibabaw ng bato pero nanaginip na naman ito na nakikipagtalik kay Master Rai. Ngayon ay patungo kami sa ospital, upang malaman ang totoong kalagayan ni Chloe. Dahil ayon kay Jen na isang nurse ay senyales ng pagbubuntis ang morning sickness nito. Kaya naman ay napaka imposibleng mabuntis ang isang tulad ni Chloe. Pagdating namin sa ospital ay agad na kinuhaan siya ng dugo at ihi. Pagkatapos ay marami pang tinanong si Doktora sa kanya. Minutes later…. “Congratulations Mister, isang buwan na ang