RAIDEN POV. NANANATILI ako sa higaan kahit kanina pa ako ginigising ng mga katok. Dinampot ko pa ang unan at itinakip sa aking ulo. Ngunit nakarinig ako ng pag-unlock sa pinto kaya mabilis akong bumangon. “Master Rai, kumain ka na at pagkatapos ay tawagan mo si Tita Valeria.” agad nag-init ang ulo ko ng makita ang babaeng nasa loob ng aking silid. “Kung binigyan ka ng permission ni Senora Valeria upang pakialam ako. Para sabihin ko sayo ay hindi ko iyon papayagan. Walang sinuman ang maaaring mag-utos sa akin. At isa pa sino ka upang basta lang pumasok dito sa silid ko?” “Hanggang ngayon ba ay hindi mo matanggap na ako ang nakatakda mong pakasalan?” “Sinong nagsabi si Senora Valeria? Pwes! Never mo akong magiging asawa. At huwag mo ng uulitin na pumasok sa silid ng walang pahintulot mu