ALICE POV. ISANG linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay masakit pa rin sa dibdib niya ang magkakasunod na rebelasyon. Una ang kaalaman na may kapatid pa pala silang bunsong lalaki. Pangalawa ang biglang pagbabalik ng kanilang ina na nag-abandonado sa kanilang ng kapatid na si Al. At ang pangatlo ay ang taong muntik ng pumatay sa kanya. Parang pinaglalaruan lang sila ng tadhana sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay nagmumukmok at nakatulala lang siya habang nakatitig sa kawalan. Hindi na yata maubos-ubos ang kanyang luha. Dahil kahit pilitin niyang balewalain o kalimutan na ang mga nangyari ay lalo siyang nakakaramdam ng sakit. Hindi matanggap na sariling pamilya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siyang nasasaktan at nahihirapan. “Baby girl, alam ko kung gaano